Chapter 3

520 27 1
                                        

"Ate marami na akong napulot halika!" masayang balita nito kay Olivia.

Dali dali naman silang pumaroon upang makita ang sinasabi ni Teddy. Masaya nilang pinagmasdan iyon dahil malaki ang kita nila sa mga lata at plastik niyon na nakuha ni Teddy.

"Tayka, saan mo ito nakuha Teddy, eh nakapagtataka dahil andami naman nito?" kunot noo nitong tanong.

Napakamot ito sa ulo at napayuko. May tinatago ba itong sekreto. Bumaling si Olivia sa kinaruruunan ni Jenith na pariho lang ito sa reaksiyon nito. At bumaling na din ulit kay Teddy.

"Hindi ako nagnakaw nito huh" agad nitong tanggi dahil nakita niya kung ano ang reaksiyon ng dalawa.

"Kung ganoon eh, saan mo ito nakuha, napakarami nito, isang araw nga di tayo makapulot nang ganyan karami" gagad ni Olivia.

"Ganito po kasi yun, nung dumaan po ako sa isang restaurant may nakita akong isang lalaki, trabahante ata doon. Itinapon niya ito kaya agad akong lumapit sa kanya upang hingin ko ito"

Nagpalabas sila ng hangin at lumaylay ang balikat ni Olivia. Akala niya kasi ninakaw ito. Alam niyo naman ang mga salbahing palaboy kapag kinuha kung ano ang sa kanila ay hindi talaga magdadalawang isip na ikay patulan. Kaya hangat maaari eh, umiiwas sila sa gulo.

"Tara na upang sa gayon eh maaga tayong makauwi" masaya nitong sabi sa mga bata.

Akma na sana nila itong kunin nang may humablot nito. Pagtingin nila ay nakita nila ang mga salbahing palaboy.

"Amin yan hoy!!, amin na yan" galit na sigaw ni Teddy.

"Wag kayong manguha kung hindi naman sa inyo, ibigay niyo na sa amin yan!" sigaw naman ni Jenith.

Pero ngumisi ngisi lamang ang mga salbahi na para bang nang-iinsulto.

"Ibigay niyo sa amin yan" seryosong sambit ni Olivia.

Dahil hindi na niya gusto ang mga nangyayari. Aaminin niyang naduduwag siya at hindi siya nakikipag away. Pero nilakasan niya ang kanyang loob upang sa gayon ay may makakain sila at higit sa lahat sina Teddy at Jenith. Tutal napagdaanan naman na niya ang hindi kumakain kahit tatlong araw iyon. Lahat ng pasakit ay naranasan na niya.

Lumapit siya sa mga pasaway na palaboy at hinablot ang mga plastic na nakuha ni Teddy. Pero nanlaban ang iba sa kanila at hinawakan ang kamay nito pilit na pinapalayo doon.

"Wag na kayong papalag pa dahil masasaktan lang kayo!" taas noo nitong sabi sa amin.

"Ibigay niyo sa amin yan kung ayaw niyong masaktan" gigil na sabi ni Olivia.

"Kung sasabihin kung hindi, anong gagawin mo?" nanghahamon nitong sabi.

Kumuyom ang palad ni Olivia at hindi niya mapigilan ang panggigil. Matalim nitong tinitigan ang mga palaboy. Na agad namang nakita nito ang mga mata na matalim kung tumitig.

"Aba't nanghahamon ito oh, ano lalaban ka? Huh!" sindak nito kay Olivia.

Lumapit ang isa sa kanila at tinitigan ito na para bang sinusuri lahat ng kanyang parte sa mukha. He hold my jaw super tight na para bang binaon iyon sa aking mukha.

"Wag kang makialam, at isa pa hindi mo kami kaya, kaya wag kang aasta na parang kaya mo kami!" and he push it away kaya nawalan ng balanse ito.

Tatawang papalayo ang mga salbahing palaboy. At sina Olivia ay umiiyak nalang dahil wala silang nagawa para makuha ang sana ay pagkain na nila.

Nagyakapan sila habang umiiyak.

"Sorry diko nagawang ipagtanggol kayo"

"Hindi mo naman kasalanan ate, sila yung may kasalanan, kaya wag kang humingi ng tawad" saad ni Jenith.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon