Tanghali nang nagising si Olivia. Dali dali naman siyang kumilos baka kasi pagalitan siya kapag tatamad siya. Naligo at nagbihis na siya kahit basa pa ang kanyang buhok ay bumaba na siya upang tumulong na maglinis sa kasambahay. Hindi kasi siya sanay na umupo lang at tatanawin ang kasambahay na naglilinis.
Lumapit na siya kay manang at kinalabit ito.
"Oh, iha may kailangan ka ba?"
"Wala po, hmm pwede po ba akong tumulong"
"Nako iha sinabihan na kami ni maam na bawal kang tumulong dito"
"Hindi po kasi ako sanay na wala pong ginagawa"
"Kung gusto mo ay magbasa ka nalang muna iha"
Iginiya naman siya papuntang sala at binigyan ito ng libro.
"Sige po" napipilitan niyang sang-ayon. Baka kasi sila yung pagagalitan dahil sa kagagawan niya.
Nagbabasa na siya. kung ano anong postura na ang nagawa niya. Mayroong humiga, nakasandal, nakatagilid. Ng biglang may nagsalita sa likod niya kaya napagitla siya at napaayos ng upo.
"Ayyy palaka!"
"Anong palaka ka diyan, sa gwapo kung to palaka lang ang itatawag mo sa akin?" pagmamalaki niya.
Napangiwi naman si Olivia dahil sa kahambogan nito. Inirapan niya lang ito at bumaling na sa binabasa.
"Pinapunta ka sa dining" masungit niyang sabi.
Napa-angat naman si Olivia dahil sa kanyang sinabi. Tumalikod na ito at pumunta na sa dining. Sumunod naman siya kay Xander. Pagkarating niya ay nakita niya ang mag-asawa.
"Good morning po" bati ko sa kanila.
"Good morning iha, umupo ka na dito"
Agad namang umupo si Olivia.
"Pinatawag niyo po daw ako" magalang nitong tuno.
"Oo iha, dahil may sasabihin kami sa iyo" sabi ni Mr. Bautista.
"Ano po iyon?"
"Here" may ini-abot sila kay Olivia na envelope. Nagtaka naman siyang pabaling baling ng tingin sa mag-asawa.
"Ano po ito?"
"Open it"
Ganon na nga ang ginawa ni Olivia. Kinuha niya ang laman non at tinignan ito. Nanlaki ang mga mata niya hindi siya makapaniwala dahil kanyang nakita. Mangha siyang napabaling sa mag-asawa na ngumiti lang ito ng matamis.
Napatayo siya at agad pumunta sa likod ng mag-asawa at doon ito niyakap ng pagkahigpit higpit.
"Thank you po talaga, napakasaya ko po dahil makakapag-aral na ulit ako"
Kumalas na siya sa pagyayakapan at pumunta na si Olivia sa kanyang inuupuan.
"Walang ano man iha, bastat sa ikasasaya mo ay gagawin namin"
"Thank you po talaga, malaking uportunity ito para sa akin. At promise ko po sa inyo na pagbuhutihin ko po ang pag-aaral ko" senserong ngiti nito at bumaling na siya sa deploma kumislap ang mata nito dahil sa emosyon niya.
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Teen Fiction"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...