Nakalipas ang tatlong buwan ng hindi niya na nakita ang nanay nanayan niya. At nabalitaan nalang niyang nakulong daw ito dahil sa pagtangkang pagtakas sa kanya. May parte sa kanya na naawa siya dahil wala nang magbabantay sa unang mga kapatid niya at isa pa naging ina din naman niya ito. Paano na kaya sila doon kung wala silang nanay na nagaaruga sa kanila. O kaya saan na sila ngayon? Andoon parin ba sila sa dati nilang bahay?
Nag isip si Olivia kung pupuntahan kaya niya ang bahay nila dati. Para makumusta naman ang mga kapatid niya noon. Pero natakot siya baka nagalit iyon sa kanya dahil nakulong ang nanay. Pero hindi naman dapat siya ang may kasalanan dahil may ginawa naman talaga ang nanay niya kay Olivia.
Pero napakabuting bata ni Olivia dahil pinakiusapan niya ang mga magulang niyang palayain ito dahil mawawalan ng ina ang dati niyang mga kapatid.
"Mommy may gusto sana akong pakiusap sayo"
"What is it Darling?" nakangiting sabi ng mommy niya.
"Ahm, I want po sana na iurong ang kaso laban sa nanay ko dati" mahina niyang sabi dahil nahihiya siya at baka magalit pa baka hindi papayag sa ninais niya.
Natigilan ang mommy niya at tumingin tingin sa kawalan na para bang may hinahanap. At siyaka tumingin sa kanya.
"Ano anak, alam mo naman ang ginawa sayo hindi ba. At hindi ko gustong maulit pa iyon" pilit na ngiti ang ipinakita sa kanya ng mommy niya. Na nagpapahiwatig talaga na hindi siya sang ayon sa pakiusap niya.
"Mommy" kasabay non ay hinawakan nito ang kamay ng mommy niya. "Ina rin kayo mom, at inaalala ko lang po ang kapakanan ng dati kung mga kapatid. Kasi, paano na sila kung wala silang ina na nag-aalaga sa kanila kung ang nanay nila ay nakakulong" malungkot na sabi niya sa kanyang mommy. At nagmamakaawang tingin ang kanyang ipinakita upang sa gayon ay makumbinsi niya ito.
Nagpakawala ng malalim na hininga ang mommy niya at humawak din sa kamay nito.
"Naiintindihan kita anak. Pero kapakanan lang namin ang inaalala mo" nagpapaintinding sabi niya. Sandali pa silang natahimik at walang ni isang nagsalita sa kanila.
Nagpakawala nanaman siya ng malalim na hininga at siyaka siya nagsalita si Olivia.
"Thank you mom for protecting me na kahit hindi mo ako tunay na anak pinapahalagahan niyo pa rin ako, at naiintindihan ko po na para sa kapakanan ko lang ang ginawa niyo. Eh kasi mom, kahit ganon po ang nanay ko na kahit palagi niya nalang akong pinapagalitan mahal na mahal ko pa din po iyon sa kabila nang ginawa niya sa akin" matamis niyang ngiti.
Ngumiti din ng matamis ang kanyang mommy dahil sa paghanga niya sa anak niya. "Napaka buti mong anak Olivia, kay swerte swerte namin na ikay dumating sa buhay namin. Hayaan mo kukumbinsihin ko ang daddy mo" at kasabay non ay inipit niya ang hiblang buhok sa tainga niya at ngumiti.
"Thank you mom" at niyakap niya ito.
"Walang ano man bastat para sayo" hinigpitan pa nito ang pagyakap.
Kumalas na sila sa pagyayakapan. Pagkatapos nilang nag-usap ay pumunta na ang mommy niya sa opisina at siya naman ay pumunta na ng school.
Pagkarating niya sa school ay agad namang nagsimula ang klase nila sa pang-umagahan.
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Teen Fiction"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...