Chapter 22

321 20 1
                                    

Lumipas ang oras ng hindi nagkita si Xander at Olivia. Nagsisimula na kasi ang
exam nila kaya naging bc na sila sa mga projects nila.

"Tapos ka na ba sa thesis mo Olivia?" tanong ni Azyleah.

"Oo bait? Hindi ka pa tapos?" takang tanong niya.

"Hindi pa eh, pero malapit ko namang matapos" ngiti niya na halos hindi na makita ang kanyang mga mata.

"Awhp, pwede kitang tulungan" prisinta ni Olivia.

Umiling naman si Azyleah dahil nahihiya siya dito. At isa pa malapit din naman siyang matapos non kunting kunti nalang.

"Sure ka? Baka kailangan mo nang tulong"

"Hindi na malapit na din naman akong matapos eh, kaya okey lang"

"Okey, basta kapag kailangan mo nang tulong sabihan mo lang ako" matamis na ngiti ni Olivia.

"Sure" sabay akbay nito.

Natapos na din ang kanilang klase kaya andoon na sila sa playground nag stay sila doon habang naghihintay kay Mira na nandoon pa sa Cr naiihi na daw kasi siya.

Nagkwentohan lang sila habang nagtatawanan.

"Gusto ko yung bonggang outfit feeling ko kasi mukha akong princessa diba" nag emagine pa si Azyleah na para bang nagkatotoo iyon.

"Talaga lang huh, yan pa talaga nasa utak mo malabo yung magkatotoo nohh" napangiwi pa siya dahil hindi naman siya naniniwala ng happy ending at siyaka mga fairytale fairytale na yan. Ang mundo nga niya nagka watak watak kahit saan nalang siya umabot pero hindi pa rin siya nakahanap ng happy na talagang kuntento na talaga siya.

"Alam mo, ang sarap mo talagang batukan diyan feeling lang naman eh itshusira ka talagang bayhana ka" pagmamaktol nito na ang dalawang kamay ay naka cross sa kanyang dibdib.

Nagpipigil lang ng ngiti si Olivia dahil sa reaksiyon niya. Feeling niya ay binabara niya ang imagination ng kaibigan niya. Ang sama sama niya tuloy.

"Joke" peace sign niya pa at nagpapa cute ang kanyang mga mata sa kaibigan na nakasimangot. Tinignan naman siya nito na nakapuot at napapigil siya ng tawa dahil sa itsura ni Olivia.

Nang hindi na niya napigilan ay tinawa na niya ng malakas dala ng paghampas sa kamay ni Olivia. Kaya nagtawanan sila ng sabay.

"Hindi ata ako kasali nito eh" may nagsalita sa likuran kaya napalingon sila dito. Nakita nila si Mira na nakapuot na ito na parang nagtatampo pa.

Tumayo sila at lumapit dito. Pagkalapit dito ay agad nila itong niyakap kaya nawalan ng balansi si Mira dahil sa bigat nila. Natumba sila sa lupa at doon nagtawanan na parang bata.

"Dirty na tuloy ako" pagmamaktol ni Mira na nakapuot pa din.

"Wag nang mag inarte ikaw na nga tong nilalambing namin eh" suyo ni Azyleah.

"Oo nga, kaya wag ka nang magtampo"

Ngumiti sila ng nagpapa cute at inangkla ang mga kamay nila sa braso ni Mira. Tinignan naman sila ni Mira habang nagpipigil nang tawa dahil nauuto niya ito. Nagpapanggap lang naman siyang galit eh.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon