Hindi pa alam ni Olivia na isa siyang ampon kaya ganito nalang kung makitungo ang kanyang ina inahan nawalay kasi si Olivia sa totoo niyang magulang at naranasan ding magpalaboy laboy ito sa kalsada, ito ang dahilan kung bakit siya ay nangingitim at hindi marunong mag alaga sa kanyang sarili.
Simula kasi nung namatay ang kanyang tatay tatayan ay malungkot na ulit ang buhay ni Olivia wala na siyang kakampi sa mundo palagi nalang siyang inaaway.
Simula din nung tinawagan ang nanay nanayan niya sa school ay hindi na siya pinapasok sa school. Parati nalang siyang nasa bahay at tulalang tumingin sa kung saan saan. Tinatanong kung bakit ganito siya bakit hindi patas pagdating sa kanya. Bakit lahat nalang ng tao ay kinamumuhian siya.
Two months na ang nakalipas nang pumalagi lang siya sa bahay. Makalabas lang siya kapag may utos ang nanay sa kanya, pabor na din siya para hindi na siya malalait ng mga tao. Gustuhin niya mang mag aral pero di niya magawa nawalan na siya ng confident sa kanyang sarili dahil lamang sa mga taong mapanghusga.
Bakit ba may mga taong ganon kung makalait ay sobra sobra di nila alam na nakakasakit na sila ng damdamin. Hindi rin nila alam kung ano ang pinagdaanan nito.
Ipinapangako niya sa mga palaboy at walang matitirhan na tutulungan niya sila pagdating ng panahon. Magsisikap siya upang sa gayun ay wala ng palaboy, walang tirahan, walang mga magulang at higit sa lahat ang kanilang tinatawag na pangit hindi na nila pwedeng aapihin na iyon.
Magsisikap siya kahit ganoon lang ang itsura niya gagawin nito ang lahat upang sa gayun ay matupad niya ang kanyang pangako sa buhay.
Wala pa ang kaniyang nanay at kapatid sa bahay. Natapos na rin niya ang gawaing bahay. Siya ang inatasan na mag asikaso sa lahat dahil daw ay wala siyang ginagawa.
Ang sabi pa nito ay ang swerte swerte daw niya dahil andito lang palagi sa bahay at walang ginagawa. Kaya binigyan siya nito ng limpak limpak na gawain. Ginawa niya ito lahat sa buong araw.
Pagkarating ng kanyang kapatid sa hapon na iyon ay agad na ibinato sa kanya ang bag nito. Nasalo naman ni Olivia.
"Ilagay mo yan sa kwarto ko,kailangan ay walang gusot gusot yan kundi ipapakain ko sayo lahat ng laman niyan"
Napayuko nalang ito at tumalikod na sa kanyang kapatid na lalaki at pumaroon sa kwarto. Habang nag aayos sa bag ng kapatid niya ay narinig naman niya ang ingay ng kanyang nanay.
"Asan ka Olivia!" sigaw nito.
Dali dali namang lumabas si Olivia sa kwarto ng kanyang kapatid at tumungo sa nagsisigaw niyang nanay.
"Bakit po nay?" nanginginig nitong saad sa nanay. Dahil nakita niya kung ano ang ekspresyon sa mukha nito. Para na itong kumakain ng buhay dahil sa galit.
"Anong ginawa mo sa kapatid mo!" gigil nitong bulalas sa kanya.
Nagtaka siya kung ano ang pinagsasabi ng kanyang nanay. Dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginawang kalokohan.
"Bastos kang bata ka!, magsisinungaling ka pa! Huh!" kinuha na nito ang braso at winawagayway.
Pumasok naman ang lalaki niyang kapatid na nakangising nakakaloka.
"Nay hindi ko po alam ang sibasabi mo, wala po akong ginawang kasalanan" umiiyak na nitong sambit sa nanay.
"Aba hindi ka talaga sasagot huh!, ang sumbong lang naman ng kuya mo ay inaakit mo daw siya at nagpupumilit ka pang makipag sex sa kanya anong klaseng kapatid ka huh!" gigil na sabi ng nanay niya.
Tulala namang napatingin si Olivia sa nakakatandang kapatid. Hindi makapaniwalang nagawa niya iyong sabihin.
"Kung sabagay hindi naman kita kadugo puwede kitang patulan kung ganon" nakakalokang ngisi nito.
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Teen Fiction"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...