Epilogue

570 33 6
                                    

Lumipas ang ilang taon at naging matagumpay na din sina Xander at Olivia sa kanilang buhay. Nakapag trabaho na ito sa kompanya nang kani kanilang pamilya at tuloy tuloy na din ang relasyon nila Xander. Kapag naman hindi sila busy sa trabaho ay gagala sila. Kapag late namang umuwi ay susunduin siya ni Xander at doon kakain sa restaurant dahil pagod sila katatrabaho. Naging masaya naman ang kanilang relasyon may times na mag aaway sila pero gagawa naman ang isa sa kanila para magkaayos sila. At ang pamilya ni Olivia ay tinupad nila ang sinabi noon na babawi sila sa lahat nong time na siya ay nawalay sa kanila.

Hindi narin nakapyansa si Maria dahil sa bigat nang kaso niya. Kaya hangang ngayon hindi parin siya nakakalaya at sa susunod pang taon o kahit kailan man.

"What's yours?" tanong ni Xander kay Olivia. Nandoon sila ngayon sa restaurant matapos niyang sunduin sa trabaho ito.

"Fried chicken, gusto kung kumain ng letche plan ngayon" paglalambing niya sa dulo.

"Okey"

Inulit nang waitress ang order nila siyaka ito tumalikod para kunin at ihanda ang kanilang order.

"Are you tired babe?" malambing na sabi ni Xander.

Tumango naman si Olivia na nakasimangot ang mukha kaya napangiti si Xander dahil saka cutan nito.

"Kumain ka muna para pag uwi natin makapagpahinga ka na din"

"Okey, nakakapagod din palang mag trabaho ano?" biglang sabi niya.

"Oo naman, pero eenjoy mo lang kapag nagawa mo iyon hindi mo feel na napapagod ka"

"Hays, ganon na nga para din naman ito sa future ko"

"Hmm, future natin ba kamo?" pinagkadiinan niya ang "future natin"

Natawa naman si Olivia. Sa totoo lang nag-iisip din naman siya tungkol diyan. Paano kaya kung sila na nga para sa isat isa. Paano kaya tatakbo ang future nila someday? Maging okey din kaya ito at walang makakapag buwag sa kanila? O siya na ba talaga ang future husband niya soon. Kung siya man ang papipiliin ay gusto niya talagang si Xander na talaga para naman kampante na siya at masasabi niyang mahal siya nito at hindi siya kayang saktan. Dahil kilalang kilala na niya ito.

"Future natin" sabay kindat nito kay Xander. Ngumiti naman siya nang pagkatamis tamis. Ilang minuto lang din ay naiserve na ang pagkaing inorder nila.

Nagsimula na silang kumain. Tahimik lang ito at walang nagsasalita sa kanila habang kumain. Nang ilang minuto lang din ay natapos na siyang kumain at doon naman sa dessert na pinili niya.

Sumubo siya nito at pumikit pa talaga para namnamin ang sarap niyon.

"Hmmm, ang sarap talaga nito kahit kailan" bulong niya sa sarili habang nakapikit pa din.

"Mas masarap yung tinitigan ko" batid niyang nakingiti si Xander pagkasabi niyon kaya dumilat siya at agad nagtama ang paningin nila.

"Yang mga titig mong yan Xander" banta niya dito.

"What?" maang maangan niya.

"Tsskk, nevermind" at inirapan ito siyaka bumaling sa pagkain niya.

Hindi na sila nagsalita pa at nang matapos ay agad na silang pumunta sa kotse. Tinulungan itong makasakay ni Xander siyaka siya umikot para pumuntang driver seat. At nang makapasok ay pinaandar na niya ang makina. Habang nasa daan ay pumipikit pikit na ang mga mata ni Olivia dahil sa antok dahilan na din sa pagod. Kaya dinalian nalang ni Xander ang pag dadrive para makarating na sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon