Naka-uwi na sila sa bahay. At namamanghang inilibot ni Olivia sa buong bahay ang kanyang mga mata. Ang laki niyon at ang liwanag pa dahil sa puti ang dingding nito. Napakapayapa pa sa loob ng bahay. Inilibot si Olivia sa buong bahay dahil simula ngayon ay doon na siya titira. Dahil aampunin siya ng mag-asawa. At ang sabi pa ng mag-asawa ay sasamahan siya bukas para makapag-ayos sa kanyang sarili. Pupunta daw sila ng salon.
Nagtaka naman si Olivia dahil ang sabi ng mag-asawa may lalaking nakatira pa dito pero wala naman siyang nakita. Hindi na niya napigilan pang magtanong pagkatapos siyang inilibot sa buong bahay.
"Ah ma'am, sir, ano, nagtaka lang kasi ako dahil ang sabi niyo dito nakatira ang anak ng kaibigan niyo pero saan po siya?"
Natawa naman sila sa sinabi nito. Nangunot naman ang noo ni Olivia dahil tinawanan lang siya.
"Bakit po?"
"Wala pa siya dito iha, nag-aaral pa siya mamaya pa yun maka-uwi. At siyaka simula ngayon tawagin mo na kaming mommy at daddy okey"
Nahiya naman si Olivia dahil hindi siya sanay. Ngayon lang siya nakaranas na may mommy at daddy siya.
"Ano ka ba Olivia darling, wag ka nang mahiya sa amin dahil simula ngayon eh kami na yung magiging magulang mo" lumapit ito sa kanya at inakbayan.
"Oo nga sabihin mo lang kung ano ang kailangan mo iha at ibibigay namin"
"Salamat po sa inyo ma', ayyy! Ano mommy, daddy" pahina ng pahina ang kanyang tinig dahil hindi padin siya sanay.
Napatawa sila. Ginulo din ni Mr. Bautista ang kanyang buhok.
"Hali na kayo, kakain na tayo alam kung nagugutom ka iha"
"Sige po"
Iginiya na nila sa dining si Olivia at pinaupo pa siya ni Mr. Bautista. Ang gentleman naman ng daddy niya.
"Salamat po"
"Walang ano man iha"
"Kumain ka lang ng kumain iha, madami pang pagkain dito"
Nilagyan nila ang aking pinggan. Lihim na napangiti si Olivia dahil ang swerte niya na napunta siya dito sa mag-asawa na napaka-alagain naman. Sayang at nawala ang anak nila saan kaya iyon at ano kayang rason kung bakit nawalay ito sa kanila.
Magtatanong ba ako o hindi? Tanong niya sa isip. Pero kalaunan ay hindi nalang sa tamang panahon nalang siya magtatanong dahil nasarapan siya sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Hindi pa kasi siya naka tikim ng mga putahing ito.
May tucino, hotdog, friedchicken, adobong manok, gulay at may dessert pa sila. Cake, letche plan at fruit salad. Andaming pagkain. Napatingin naman sa kaniya ang mag-asawa. Dahil nilalamon na ni Olivia ang mga pagkain na para bang maubusan siya nito.
Nang makita niya ang reaksiyon ng mag-asawa ay napahinto siya at napayuko dahil sa kahihiyan.
"Ituloy mo lang iha, natutuwa lang kami dahil ang gana mong kumain"
"Ang saya mung tignan"
Nakangiting sabi nila. Nagpatuloy siya sa kanyang kinain pero hindi na iyon tulad kanina. Dahan dahan nalang siyang kumain at sinunud kung ano ang gagawin ni Mrs. Bautista kapag kumain. Hangang sa natapos iyon. Dinala si Olivia sa kanyang magiging kwarto.
Namangha nanaman siya dahil sa sobrang ganda nito. Kulay pink iyon at ang kwento pa ng mag-asawa ay kwarto daw iyon sa magiging anak nila o sa magiging ampon kaya doon nila napiling kwarto ni Olivia.

BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Ficção Adolescente"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...