"Olivia POV*
Naglilinis ako ngayon ng bahay dahil pagagalitan nanaman ako ni nanay pagkauwi niya ginawa ko talaga ang lahat para walang alikabok na makikita ni nanay. Kagagaling ko lang sa school 3rd year College na ako ngayon. Pasalamat din ako na kahit ganito ang pakitungo ni nanay sa akin ay pinapaaral niya pa din ako. Pero malungkot din ako pagdating sa school dahil palagi nalang nila akong binubully lahat nalang ginawa nila sa akin palagi nalang akong umiiyak at kapag kumakain naman ay sa punong kahoy na walang tao at mahangin ang paligid kaya doon ako na relax. Doon ko lang naranasan ang payapa ng aking buhay.
Napasulyap ako sa salamin at doon ko nakita ang refleksiyon ng aking mukha. Totoo nga ang sinabi nila pangit nga ako, maitim, at walang kaayos ayos sa sarili at ang buhok ay palaging nakabugkos dahil kulot kasi ito.
"Anong tinitingin tingin mo diyan sa salamin?" pagtataray nanaman ni nanay "kahit anong gawin mo diyan sa pagmumukha mo ay hindi yan magbabago pangit kapa din, wala ka paring kwenta kaya kung ako sayo maglinis ka na diyan!" dinutdot niya pa ang kanyang hintuturo sa aking ulo kaya napatakilid ang ulo ko.
Yumuko nalang ako at nag patuloy na sa paglilinis. Hangang sa natapos iyon.
Pumunta na ako sa aking kwarto at naligo pagkatapos non ay nag assignment na din ako at nag babasa din dahil may quiz daw kami bukas. Ng makaramdam ako ng gutom kaya napag disesyonan ko na lumabas upang makakain. Pagkalabas ko ay wala ng tao madilim na din ang kusina, kaya inopen ko ang switch ng ilaw. Nanlumo akong nakatingin sa lamesa na wala na itong laman, wala nanamang pagkain nagugutom na ako paano na itong tiyan ko walang laman. Malungkot akong tulala sa lamesa, gutom na gutom na talaga ako. Hinawakan ko ang aking tiyan at hinimas himas ko iyon.
Tiyan ko itutulog nalang kita huh wala na kasing pagkain kaya wala na akong makakain dito kaya sana wag ka ng magutom diyan huh, parihas lang naman tayo dito nagugutom okey. Sabi ko sa isip
Tumayo na din ako at pumunta na sa kwarto. Sabi ko nga ay itutulog ko nalang kaya yun ang ginawa ko para hindi ko ma feel ang gutom sa tiyan.
KINABUKASAN...
Nagising ako dahil sa ingay ng bunganga ni nanay. Alas 5:00 palang ng madaling araw ay gigisingin na ako dahil ako ang magsasaing at magluluto ng ulam. Ganito nalang palagi ang ginagawa ko. At kapag naman palpak ang pagluto ko ay pagagalitan nanaman ako at ihahampas ni nanay sa akin ang niluto ko kaya tudo ingat ako kapag nagluluto.
"Magdodonyahan ka nanaman diyan Olivia gising at ikaw ay magsasaing na dahil may trabaho pa ako, kasalanan mo talaga to kapag akoy ma late!" bunganga niya.
Agad na akong bumangon at pumunta na sa kusina. Nagsaing na ako at nagluto na din ng ulam pagkatapos non ay tinawag ko na sila para makakain na.
Nagsipag upuan naman sila at agad na sumandok sa kanilang plate. Sumikip nanaman ang aking dibdib ng makitang kay liit liit nalang ang natira sa akin.
"Ano pang ginagawa mo diyan ito sayo oh, ayaw mo ba edi sa akin nalang" akma na sana niyang kukunin iyon ng pinigilan ko dahil wala na talagang laman ang tiyan ko. Kumukulo na iyon.
Tatlo kaming magkakapatid si kuya Anthony at bunsong kapatid namin na si Emma. Wala akong kakampi sa kanila dahil patay na rin si tatay na siya ang pinaka kakampi ko dito sa bahay siya ang nagtatanggol sa akin sa kahit na anong umaayaw sa akin. Pinapasyal niya ako sa park, binibilhan niya ako ng laruan at nung birthday ko ay hinandaan niya talaga. Kaya labis talaga akong nangungulila sa kanyang pagpanaw mahal na mahal ko kasi ang tatay ko kahit na ganito lang kami ay nagmamahalan talaga ang pamilya namin. Pero nagbago ang lahat ng mawala si tatay inaapi na nila ako katulad ngayon. Hays
![](https://img.wattpad.com/cover/245708548-288-k396619.jpg)
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Novela Juvenil"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...