Chapter 19

296 24 0
                                    

Wala siyang ginawa sa holiday puro lang kain at tulog ang ginawa niya. At nang mag monday ay maaga siyang gumising dahil sa daddy niya siya sasabay.

"Olivia, ang aga mo ata?" takang tanong ng mommy niya.

"Ahh, mom gusto ko po sanang sumabay sa inyo" paglalambing niya.

Napangiti naman sila dahil sa paglalambing ng dalaga.

"Oo naman, pwedeng pwede" matamis niyang ngiti.

"Thank you mom" sabay yakap nito sa kanya.

Pumunta na sila sa dining at kumain na sila. Pagkatapos nilang kumain ay ang pagbaba naman ni Xander. Nagkatinginan sila at agad na nagiwas ng tingin si Olivia. Tumingin nalang siya sa kawalan at nanguna nang lumabas sa mansiyon.

Doon nalang niya hinintay ang daddy at mommy niya. Ilang sandali lang ay namataan na niya ito na papalabas.

"Your here na pala" takang tanong ng mommy niya.

"Nauna na po ako, gusto ko lang po kasing magpahangin. Naiinitan po kasi ako sa loob" pangatwiran niya. Hindi naman talaga mainit sa loob. Sinabi niya lang yun dahil nakita niya mismo ang init.

"Ganon ba" tatangong sabi ng mommy niya. Naniwala naman kaya nakahinga siya ng maluwag.

Inalalayan na siyang pumasok sa kotse. At nang makaayos na ay agad na itong pinaandar.

"Olivia" pagtawag sa kanya ng mommy niya.

"Po?" at bumaling na siya.

"Hindi sa nangialam ako sayo, napapansin ko lang kasi na you avoiding Xander" dahan dahan niyang sinabi.

Nabigla naman siya sa tanong ng mommy niya. At nagtaka sa sarili kung bakit nahalata ito. Halata naba talaga ang kilos niya? O my god!.

"Po, hindi naman po" kinakabahan niyang sabi.

"I know that I'm not your real mother, but as long as your here in my arms, I've notice you and Xander. Alam ko ang kinikilos mo iha" pag-amin niya.

Napaiwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kung aaminin niya ay talagang nakakahiya dahil bestfriend siya ng magulang ni Xander. At isa pa dapat lang na mahiya siya dahil hindi naman siya tunay na anak ng Bautista. Ampon lang naman siya.

"Tell me, don't be shy on me. Im your mother" sabay haplos niya sa buhok ni Olivia.

Hindi siya nakapagsalita. At talagang bumalot ang hiya sa kanyang katawan.

"Sorry po, pero hindi ko naman po siya iniiwasan nagkataon lang po siguro" pilit niyang ngiti dahil kinakabahan parin siya.

Nababasa ni Mrs. Bautista ang mga kilos ni Olivia pero hindi nalang niya ito pinaamin dahil alam niyang nahihiya ito.

"Naiintindihan kita anak, hindi kita pipilitin pero kung gusto mo nang kausap andito lang ako" sabi nito. At hinawakan ang kamay niya.

Nagkangitian sila at nagyakapan sa isa't isa. Nakahinga naman ng maluwag si Olivia dahil hindi na siya pipilitin pang magsabi.

At the parking lot....

"Bye darling enjoy the school" bilin nito.

"I will mom" sabay beso- beso nila. At bumaling siya sa kanyang daddy.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon