Chapter 16

313 23 1
                                    

Dumating na ang pinakahihintay nilang seniorsball. Pinaghandaan talaga ng mga mag-aaral ito. Exactly 4:40 ay maguumpisa na ang event. Pero hindi parin nila nakukumbinsi si Olivia.

Napilitang makipag partner si Xander kay Raina. Sinundo niya si Raina sa kanilang bahay. Pagkarating niya ay bumusina siya para malaman niyang andoon na siya sa labas. Ilang sandali pa siyang naghintay doon. Nang marinig niyang bumukas ang pintuan ay agad siyang lumapit para maalalayan ito. Bumungad sa kanya ang nakangising Riana. Kulay Royal blue ang kanyang gown.

Makapal ang make up nito. At ang kanyang buhok ay naka bugkos na kaporma ng Rosas. Inalok niya ang kanyang kamay sa kanya tinanggap naman niya ito na nakangiti.

"You look so handsome Xander" papuri nito sa kanyang suot.

"Thank you, also you. You look so gorgeous in your outfit" papuri din niya. Maganda naman ang kanyang sout pero na sobrahan nga lang sa kanyang make up.

"Hindi mo na kailangan pang sabihin yan dahil alam ko na yan" pagmamalaki niya sa kanyang sarili.

Patago namang napangiwi si Xander dahil sa pagmamataas nito sa kanyang sarili. Matapos niyang inalalayan papasok si Riana sa kotse niya ay umikot siya papuntang driver seat ng biglang mag vibrate ang kanyang phone. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa at tinignan kung sino ang tumawag.

"Tol! Halika na" bungad agad sa kanya ni James.

"Andito kami sa labas naghihintay sayo" tinig ni Ethan.

"Oo papunta na, ibababa ko na to para makapag drive na ako" paalam niya sa kanila.

"Okey sige tol" at ibinaba na nga niya ang phone.

Pumasok na siya sa kotse at agad na niyang inistart ang makina.

"Ang tagal mo namang nakapasok" reklamo ni Riana.

"Pasensiya, tumawag lang kasi sina Xander" mapait niyang sabi. Pero hindi niya pinapahalata.

"Is that so" maarti niyang tuno.

Hindi na siya kumibo pa dahil lalo lang mag-init ang kanyang ulo kapag marinig niya ang boses ng babaeng katabi niya ngayon.

Kalahating oras ay nakarating na sila sa school. Agad niyang namataan ang mga kaibigan niya kasama ang kapartner nila na naghihintay sa kaniya. Pagkalabas niya ay inalalayan niya pa si Riana na makalabas na ngayon ay nagiinarte na.

"Ang init" reklamo niya kaagad.

Lumapit naman ang mga kaibigan niya at nakipag batian pa ito.

"Tol" sabay tapik nito sa likuran at ganon din ang ginawa ni Xander.

"Ang tagal niyo, kanina pa kami naghihintay dito" pagmamaktol ni Azeah.

"Paki mo! Sinabi ba naming maghintay kayo?" pagtataray ni Riana. Na hindi nila inaasahang siya ang sasagot.

"Riana" saway ni Xander.

Napanguso naman ito at pinag krus niya ang kanyang dalawang kamay sa dibdib.

"Sinabi din ba naming ikaw ang hinintay namin dito? In your dreams" sagot ni Azyleah.

"Wag ka nang sumagot" bulong ni Ethan kay Azyleah dahil nagalab nanaman sa galit si Riana.

"Pasalamat kang babae ka kung hindi ako nakaayos ngayon kanina pa kita tinatadyakan diyan. Tara na nga masisira make up ko dito eh" singhal niya.

Hinablot niya pa si Xander sa kamay at kinaladkad na papasok sa venue.

********

"Olivia, please umatend ka na ikaw kasi ang guest doon" pagmamakaawa ng mommy niya. Andoon ang magasawa sa loob ng kwarto ni Olivia dahil sinusubukan padin nilang kumbinsihin ito.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon