Maagang nagising si Olivia kaya pagkagising niya ay dumeritso agad siya sa banyo para maligo pagkatapos non ay nagbihis na siya. At bumaba na papuntang dining.
"Good morning darling have a seat" mommy niya.
"Good morning mom" bati niya sa kanyang ina at sa kanyang ama na din at hinalikan niya ito sa pisngi.
"Hows your sleep?"
"Very very okey naman po maam. Mahimbing na mahimbing hahaha"
"Owhh" makahulugang sabi niya. "Is that so" tatango tango pa nitomg sabi.
Nangiti lang si Olivia sa kanila at sumandok na nang pagkain sa pinggan niya.
"Ehem"
Napatingin silang dalawa nang mommy niya nang ginawa iyon nang daddy ni Olivia. Inosente namang napaangat siya nang tingin at ang mommy niya ay nagtataka at salubong na ang kilay. Seryoso lang itong nakatingin kay Olivia kaya medyo kinakabahan siya sa tingin nito.
"Pwede ba akong magpayo sa iyo? Bilang ama amahan mo?" Malumanay na sabi niya kaya bigla siyang kinabahan. Saglit pa siyang natigilan at nang makarecover ay daglian naman siyang tumango at sinabing.
"Yes naman po dad" pilit ang kaniyang ngiti dahil kinakabahan talaga siya.
Ano kayang iadvice niya. Kinakabahan talaga siya di niya mawari kung ano o baka naman tungkol ito sa kanila ni Xander.
"Hindi naman sa pinipigilan ko kayong magmahal ang sa akin lang eh, sana aral mo na ang uunahin niyo para naman ito sa kinabukasan niyo okey lang ba yun?"
Sinasabi na nga ba. Pero tama naman siya atleast isang year nalang tapos na sila at makapagtrabaho na sila.
"Oo naman po daddy, hindi naman po nawawala yun. This is my dream na gusto kong makapapagtapos" at siyaka siya ngumiti ng sensiro.
"Good, that's my girl" kinusot niya pa ang pisngi nito.
Ngumiti si Olivia sa kanya at bumaling siya sa kanyang mommy na ngumiti na din habang pa baling baling ang timgin sa kanila.
Tinapos na din nila ang kanilang pagkain at nagpaalam na sa isat isa dahil may trabaho pa ang parents niya. Si Olivia nalang ang natira sa bahay at ang maids nila.
Sinundan niya pa nang tingin ang papalayong kotse nang parents niya at nang hindi niya na ito nakita ay siyaka siya bumaling sa loob nang bahay nila. Inilibot niya ang mga mata at doon na tuon sa sofa kaya napabuntong hininga nalang siyang lumapit doon para umupo at magbasa dahil wala din naman siyang gagawin.
Habang nagbabasa siya ay may kumalabog sa kitchen kaya napatingin siya doon sa gawing yun. Ilang segundo niya pang pinagmasdan yun nang wala nang kumalabog ay nguniwi nalang siya baka kasi may natapon lang kaya bumalik na siya sa pagbabasa. Nang ilang segundo ay may kumalabog nanaman.
"Manang!" sigaw niya dahil nagtataka na talaga siya kung ano yung kumalabog.
Lumapit siya doon at dahan dahan naman niyang tinanaw pero nagtaka na siya dahil wala namang tao pero bakit may kumalabog?
"Manang!" sigaw niya ulit. Pero hindi man lang siya sinagot.
Kaya pumasok na siya sa kitchen pero laking gulat niya sa kaniyang nakita
Ginapos ang mga maids nila at nakatakip pa ang mga bibig habang umiiyak.
Nanginig bigla ang kalamnan ni Olivia at daglian niyang nilapitan ito pero hindi pa nga siya nakaupo ay may nagsalita na sa kanyang likuran.
![](https://img.wattpad.com/cover/245708548-288-k396619.jpg)
BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Teen Fiction"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...