Chapter 6

418 26 2
                                    

Nakarating na sila sa mall. Agad namang inilibot ni Olivia ang paningin. Mangha niya itong tinitigan at hindi niya pinakita sa iba na siya ay nasasabik.

"Doon tayo"

Iginiya nila si Olivia papuntang salon. Agad naman silang inasikaso dahil suki na si Mrs. Bautista doon.

"Hi dear my suki, anong maitutulong ko sa inyo" masayang bati ng bakla.

"Matutulungan mo ba kaming ayusan ang aming anak?" makahulugang sabi ni Mrs. Bautista.

Napataas naman ang kilay ng bakla. At agad na isinuyod ang tingin sa kabuuan nito.

"This girl is your daughter? I cannot see the similarities" pagtataray nito.

"Andami mong tanong bakla ka, gagawin mo ba o hahanap nalang kami ng iba" nabigla naman si Olivia dahil sa inasta ni Mrs. Bautista. Tinignan niya ito pero hindi naman galit. Tumingin din siya sa bakla tumatawa lang ito at nagpeace sign pa.

"Ito naman si madam, syempre gagawin ko yun ikaw pa lakas ka kaya sa akin" sabay kindat pa nito.

Iginiya na si Olivia sa loob ng washing hair dahil sisimulan na nilang pagandahin ang buhok nito. Nagpaalam muna saglit ang mag-asawa dahil may pupuntahan lang daw sila. Tahimik lang sa loob at ang umiingay lang nito ay blower. Pinapatuyo kasi ang buhok niya. Pagkatapos non ay may inilagay na na medicine.

"What's your name iha?" palakaibigan niyang tuno.

"Olivia po"

"Ang swerte mo sa mag-asawang yun" walang ano anoy sabi niya. Napatingin naman si Olivia sa reflection ng salamin na nasa kanyang harapan.

"Bakit naman po?"

"Napaka bait ng mga yun, alam mo bang tumutulong yun sa bahay ampunan. Napakaraming mga bata na ang tinulungan non at isa ka na doon"

"Talaga po, napakaswerte ko nga po talaga"

"Yes naman, kaya magpakabait ka. Iempress mo sila sa iyong kakayahan upang sa gayun eh mapasaya mo sila"

"Salamat po, gagawin ko po ang sinabi mo"

"Good luck"

Marami pa silang pinag-usapan. Narating nila yung lalaking nakatira sa kanila. Ang landi talaga nitong bakla na to. May feelings daw siya don, ang pogi daw kasi at siyaka mabait. Eh paano naman naging mabait yun ang pangit kaya ng ugali ikaw ba naman inaaway at kaladkarin papalabas ng hindi man lang pinakinggan ang explanation ni Olivia. At siyaka daw ang matcho matcho and they have a sex abs. Di naman yun ang tipo ni Olivia ang gusto niya kasi yung mabait, gentleman, pogi din, sweet, matalino at hindi inaaway ang mga babae.

Napangiwi nalang si Olivia dahil sa imahinasyun ng bakla. Napaka romantic naman, eh ang tanong papatol ba yun sa kanya. Napa evil smile naman siya sa kanyang naisip. Depende na rin kung papatol yung asungit na yun.

Bumalik na din ang mag-asawa at may dala pa itong pagkain para kay Olivia at sa bakla. French-fries, cake at juice. Natatakam niya itong sinighot singhot ng palihim. Kumukolo na yung tiyan niya.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon