Chapter 8

438 27 1
                                        

Buong araw ay nakangiti lang si Olivia. Nananabik at humahanga. Walang kupas ang saya niya ngayong araw. Hindi talaga siya makapaniwalang nangyari ito lahat. Nakalimutan niya ang nakaraan dahil dito pero ang dalawang bestfriend niya ay hindi niya nakalimutan. Palagi niya silang nasa isip at puso. Kumusta na kaya sila, inaalagaan ba sila doon. Pinapakain ba sila ng tamang oras. Hindi ba sila sinasaktan doon. Nalungkot siya sa kanyang naisip at napangiti siya ng mapait. Nakita naman yun ng mag-asawa kaya agad itong lumapit sa kaniya at inalo iyon.

"What's that face? Aren't you enjoying?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Bautista sa kanya.

Agad naman siyang napatingin dito at agad umiling ng makita ang lungkot sa mga mata nito.

Umiling siya at nagsalita "hindi po" sabay yuko niya "may naiisip lang po ako"

"You okey?"

"Yeah, I'm okey" pinakita niya talaga na okey lang siya sa pamamagitan ng malawak na pagkakangiti.

"Doon naman tayo" turo ni Mr. Bautista sa kanila kaya bumaling sila doon.

Tumango naman si Olivia at pumaroon na sila. Winala nalang muna niya sa isip ang mga kaibigan niya dahil ayaw niyang malungkot din ang mommy at daddy niya.

Bumalik ang sigla ni Olivia. At doon ay masaya silang namasyal hindi na mawari ni Olivia ang saya. Huminto ang tawanan nila ng mag ring ang messenger ng mommy niya. Hindi na nakialam pa si Olivia doon dahil alam niya namang bussiness ang pag-uusapan kaya bumaling nalang siya sa mga nagtatawanan na mga bata at pinagmasdan niya iyon.

Bumalik nanaman ang alaala niya sa mga kaibigan niyang bata. Namiss na niya talaga sila. Saan kaya sila dinala. Hindi niya kasi mawari kung saang ampunan sila dinala. Napapangiti pa siya ng magtawanan ang mga ito at nagbibiroan at ang isa ay napipikon kaya naghahabolan sila. Nawala lang ang kanyang pagkatitig doon ng tinawag siya ni Mr. Bautista.

"Via, come here I want you to meet my bestfriend, bestfriend namin ng mommy mo" pagtawag niya.

Agad naman itong lumapit. Pagkalapit niya ay hinawakan ng mommy niya ang baywang at ngumiti sa akin ang daddy naman niya ay nakahawak sa kanyang mga balikat at ipinakilala niya ito sa kaibigan nila.

"Athena, these is my daughter. Olivia" pagpapakilala ng daddy niya. Ang mommy naman niya ay tumango lang ito at napakaganda ng kanyang ngiti.

"Hi po tita" kaway niya pa sa kabilang linya.

"Hi dear darling. Your so sweet and beautiful" papuri niya dito at hindi nawala ang paghanga sa kanyang mga mata.

Nahiya naman siya at aaminin niyang nag-init ang kanyang mukha. Kinikilig siya at alam niyang gusto niya ito.

"Thank you po, you too" papuri din niya pabalik.

Totoo namang maganda ito. Ang sweet niya pa kung magsalita. Matangos ang ilong at makikita mo talaga kung gaano ka kinis ang kaniyang mukha basta yun na yun ang ganda niya.

"Mom" biglang may tumawag sa kabilang linya. Kaya napabaling ang babae kung saan nandoon ang tumawag sa kanya.

"Hi dear, Wat's up. You want anything?" tanong niya.

"Nope, aren't you BC?" papalapit na ang kanyang boses. Tila naestatwa siya sa kanyang tinatayuan ng mapamilyaran niya ang boses nito.

Tatakbo na sana siya ng bigla itong dumungaw sa screen kaya napayuko nalang siya nagpapanggap na hindi niya ito nakita.

"Xander here you are. Kamusta?" saad ni mommy.

"I'm okey mom, you? How's you tour?"

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon