Chapter 15

327 24 0
                                    

"Olivia" pagtawag sa kanya ni Mrs. Bautista.

"Po?"

"Wala kabang sasabihin sa amin?"

Nangunot naman ang noo ni Olivia dahil wala din naman siyang importanteng sasabihin. Wala din naman siyang balak sabihin tungkol sa seniorball nila dahil hindi naman siya aatend non.

"Wala naman po"

"Ah, okey goo ahead na baka malate pa kayo"

Nagtanong sila tungkol sa pag-aaral niya dahil nabalitaan ng mag-asawa na may magaganap na seniorsball sa kanilang paaralan.

Nagtaka man siya pero hindi nalang niya ito pinansin baka hahaba pa ang usapan malalate sila. Pagkasakay nila sa kotse ay hindi pa rin kumibo si Olivia bumaling lang siya sa pinto at doon itinuon ang paningin.

Si Xander naman habang nagmamaneho ay pasulyap sulyap siya sa dalaga. Nagtataka kasi siya kung bakit ganito ang pakitungo nito sa kanya. Na parang bang nagtatampo. Ano namang ikinatatampo niya?

"Olivia" pagtawag pansin niya dito. Nagsalita ito pero hindi nakatingin sa kanya.

"Hmm"

"Hindi kaba pupunta sa ball?" nagbabakasakali niya dahil yayain niya sanang ka date ito.

"Hindi"

"Why? Just only one day. Enjoy your life Via"

"Hindi ako pupunta, thats final"

Hindi na kumibo pa si Xander. Nagtaka siya kung bakit ganito ang pakitungo nito sa kanya. Wala naman silang problema na ikakagalit niya.

Pagkarating nila sa school ay nanguna na siyang lumabas sa kotse at sa paglalakad niya. Hinabol naman niya at sumabay na sa paglalakad kahit na hindi man lang siya pinapansin ni Olivia.

Pagkarating nila sa room ay nagpaalam din si Xander pero hindi ito pinansin ni Olivia tumuloy tuloy lang ito sa paglalakad hangang sa makapasok siya sa silid nila.

Matamlay na pumasok si Xander sa silid nila.

"Tol, anong nangyari diyan sa mukha mo?" saad naman ni James. Sa kanilang lahat kasi siya yung unang makakapansin sa mga mood nila kahit na malakas ang tupak niyon.

"Malaki ata problema nito" natatawang saad naman ni Ethan. Natatawa lang si Evan sa kanilang pinagsasabi at tinignan si Xander.

"May problema ba tayo diyan tol? Baka makatulong kami?" nagsalita na si Evan. Siya din ang tipong tao na seryoso pagdating sa mga ganito.

"Hindi niyo ba nahalata? Kahapon pa ito eh" panimula niya.

"Ang ano?" takang tanong ni James.

"Iniiwasan talaga ako ni Olivia. May nagawa ba ako sa kanya na ikinagalit niya?" tanong niya sa kanila baka may idea din sila.

Nag-iisip naman sila ng wala silang naisip ay umiling lamang sila. At nagtaka din kung bakit.

"Eh tol paano mo naman nalamang iniiwasan ka niya?" tanong ni Ethan.

"Kahapon diba, hindi siya sumabay sa akin pauwi, tapos kanina papunta kami dito hindi man lang siya tumingin sa gawi ko. Ultimo pagtulong na makalabas siya sa kotse ay nanguna pa siyang lumabas at hindi niya pa ako hinintay" paliwag niya sa mga kaibigan.

"Oo nga tol, eh ano naman kayang problema non?"  takang tanong ni James. "Kausapin ko kaya tol, baka sabihin niya sa akin"

"Hindi yun magsasabi nohhh"

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon