Chapter 10

392 25 1
                                    

Gabi na silang nakauwi dahil sa napasarap ang kwentohan at tawanan nila. Si Xander nagsusungit narin simula nong hinatid siya nito sa banyo. Tupakin talaga yong Xander na yon. Pero aaminin niyang gumaan panandalian ang puso niya dahil hindi na katulad ng dati ang pakitungo niya dito. Nung una kasi akala mo parang sasabog sa galit yon pero ngayon ay normal nalang siya kung makitungo sa dalaga.

Pagkarating nila sa bahay ay nagpaalam na sila sa isat isa at pumaroon na sa kwarto nila.

"Good night mom, dad"

"Good night darling" sabay nilang sabi.

At pumunta na siya sa kanyang kwarto. Pagkarating niya ay agad na siyang naligo at nagbihis ng ternong pampatulog. Pinatuyo niya ang kanyang buhok. Habang ginagawa niya iyon ay pumipikit pikit na ang kanyang mga mata dahil inaantok na talaga siya. Kaya nang hindi na niya napigilan ay inilagay na niya ang blower kung saan ito nakalagay at humiga na siya. Ilang saglit lang ay nakatulog na siya. Mahimbing siyang nakatulog.

KINABUKASAN......

Nagising siya sa sinag ng araw na dumapo sa kanyang pisngi. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumama iyon sa kisame. Sandali pa siyang nakatutok doon at bumangon na. Iniunat niya pa ang kanyang katawan bago uminom ng tubig. Pagkatapos non ay pumunta na siya sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo ay namili na siya ng maisusuot.

Pagkatapos niyang mag ayos sa kanyang sarili ay pumaroon na siya sa baba para mag-agahan alam niya kasing naghihintay na ang mag-asawa sa kanya. Hindi kasi yun kakain kapag hindi completo kaya nagmadali na siyang makapunta doon. Habang papunta siya ay nakayuko lang siyang naglakad nag angat lang siya ng makarating. Agad dumapo ang kanyang tingin sa isang silya kasi may nakaupo na doon.

Lumapit siya sa kanyang mommy at daddy at nag morning kiss siya nito.

"Good morning" bati niya sa lahat.

"Good morning"
"Morning"

Tumitig lang ng matalas si Xander sa dalaga. Na para bang sinusuri lahat ng galaw nito.

Napatingin bigla sa kanya ang dalaga kaya nag-iwas siya ng tingin. Pero nangapa siya ng magsalita ito.

"Good morning Xander" matamis nitong ngiti sa kanya.

Napaangat naman ng tingin si Xander. Pinalitan niya ng nagsusungit na tingin ang kanyang paningin at napipilitang sumagot.

"Morning" walang gana nitong sabi. Sabay baling na sa kanyang kinainan.

Kaya umupo nalang siya sa kanyang upuan at nagsimula ng kumain ng magsalita ang kanyang daddy.

"Xander, Olivia. Enrolled na kayo sa school kaya wala na kayong kailangan pang alalahanin" sabi niya kaya napa-angat ng tingin ang dalawa. Tumango lang si Xander at si Olivia ay napangiti ng matamis dahil sa wakas ay makakapag aral na ulit siya.

"Thank you dad" sabay tayo nito at pumunta sa likod ng ama para yakapin ito. Kumalas siya at lumapit din sa ina para yakapin at pasalamatan din ito "thank you mom"

"Your welcome iha"

"And Xander, pupunta kayo ni Olivia sa mall ngayon dahil bibili kayo ng gamit para sa school" saad ni daddy kaya napatingin si Olivia sa ama saglit at bumaling kay Xander upang tignan kung ano ang reaksiyon nito.

Pero katakataka namang hindi siya nagalit o ano man. Talaga lang huh? Papayag siya na kasama ako mag mall that was nice.
Interesting haha. Kaya ng Matapos sila sa pag kain nila ay pumunta na agad si Olivia sa kwarto niya para magbihis na.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon