Chapter 12

398 23 0
                                        

Pagkarating nila agad na nagsalita si Olivia.

"Xander, I noticed earlier, what happened to you? My problema ba?" nag-alalang tanong niya.

Seryoso lang itong bumaling sa kanya na walang paki alam sa mundo.

"Wala ka na doon so dont act like that" masungit niyang sabi at akma na sana siyang maglakad para lampasan si Olivia pero humarang nanaman siya ulit kaya nanggigil nang tumingin sa kanya si Xander.

"Wala namang mawawala kung ibahagi mo ito sa akin, baka matulungan pa kita" mahinahon niyang sabi dito.

"Pwede ba! Hindi kita ka ano ano at hindi ka naman tunay na anak ni tita at tito ah kaya wag kang maki alam na para bang totoo ka talagang membro nang pamilyang ito" may diin na pagkakasabi niya.

Naging masikip ang dibdib ni Olivia dahil sa kanyang sinabi at walang ano anoy tumulo ang luha niya sa kabilang mata. Pero huli na ng mapagtanto niyang sinampal niya si Xander.

Kaya nakatagilid na ito at hinawakan ang nasampal ni Olivia dahil siguro sa hapdi nito. Tumakbo na din siya matapos titigan ng matalim si Xander. Wala kasi siyang masabi dahil kapag magsalita siya ay bubugso lahat ng sakit sa kanyang dibdib. At magmukha lang siyang talaga dahil iyakin siya.

Pagkarating niya sa kwarto ay nilock niya iyon at doon siya umiiyak sa kama.

Naiwan si Xander na tulala. Hindi niya alam kung bakit yun ang sinabi niya, nagsisisi siya kung bakit pinairal niya ang init ng ulo at pagseselos niya. Ano raw selos? So totoo ngang may gusto siya sa dalaga? Wala siyang nagawa kundi ang pagalitan ang sarili at pagsisisi.

"Fuckkk! Xander what have you done!" sabunot niya sa kanyang sarili.

Napapamura pa siya. At ilang sandali ay nakaupo sa sofa at isinandal ang ulo sa sandalan habang nakatingin sa kisame.

Tumayo na siya at agad pumunta sa mini bar nila at doon nilunod ni Xander ang sarili sa pagiinom. Hangang sa nalasing siya. Pero nakaya pa naman niyang pumunta sa kanyang kwarto pero zigzag na siyang maglakad kaya parati nalang siyang nabundol sa pader na dinadaanan niya. At sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang kwarto. Walang atubiling humiga siya at hindi na nakapaglinis ng katawan o ano paman.

KINABUKASAN...

Tanghali ng nagising si Xander dahil s kalasingan niya. Si Olivia naman ay naghahanda na sa kanyang sarili para makababa na siya at makakain na. Pagkababa niya ay wala pang tao at mukhang hindi pa nakauwi ang kanyang mommy at daddy. Nagtaka naman siya dahil wala pa si Xander at naisip niya baka umuwi yon sa kanila.

Kaya siya lang mag-isang kumakain. Papatapos na siya ng bumaba si Xander nabigla pa sila sa isat isa dahil nakita nila sa hindi inaasahan na magkita sila sa dining akala kasi ni Xander nasa kwarto pa ito. Pero agad namang nag-iwas ng tingin si Olivia at hindi na pinansin pa ang presensiya nito. Gusto mang humingi ng sorry si Xander pero hindi niya nagawa dahil umiiwas lang ang dalaga sa kanya. Nang wala na ito sa dining ay siya naman ang kumain. Si Olivia ay pumunta sa sala nagbabasa ng mga libro.

Ring the phone.....

Tinignan niya ito at ang mommy niya pala. Sinagot niya ito.

"Mom?"

"Anak mamaya pa kaming hapon makauwi diyan"

"Ah, yes mom enjoy the trip"

"Yes darling, magiingat kayo diyan"

"Okey mom, kayo din"

"Yeah I will, bye"

"Good bye, I love you"

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon