Tatlong araw na sila sa hospital pero hindi parin nagigising si Olivia. Kapag kailangang pumunta sa office ang mag-asawa ay inihabilin nila ito kay Xander dahil wala rin namang ginagawa si Xander isa pa wala din namang pasok dahil vacation.
Ngayong araw din ang desisyon nang judge. Guilty ba si Maria pero kung si Mrs. Bautista ang pasusunurin ay gusto na niya itong ipakulong habambuhay dahil patong patong na ang kasalanan niya sa pamilya nila.
Pagkarating nila doon ay naghintay pa sila nang ilang minuto bago dumating ang judge. At doon ay inanounce at ang desisyon nang judge ay mahahatulan nang pagkakulong si Maria.
"Hindi! Hindi yan totoo!" nagwala siya kaya agad na lumapit ang mga pulis sa kanya para pusasan na siya. Tumingin naman sa banda si Maria kung saan nakaupo ang mag-asawang Bautista. Talim, galit ang ipinakita niya sa amin.
"Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa akin! Hindi sana kayo magiging masaya!" galit niyang sigaw at pilit na siyang kinaladkad nang mga pulis para ilayo sa mag-asawa.
At nang sa wakas ay hindi na nila nakita ay nakahinga sila nang maluwag at nagpakawala nang mabigat na hininga. Tumingin naman si Mr. Bautista sa attorney nila para pasalamatan ito.
"Thank you Attorney" at nakipagkamay siya.
"Your welcome Mr. Bautista, at salamat din sa tulong ninyo, kung hindi dahil sa mga informationniyo, hindi ko naman ito mapapanalo" nakangiting biro niya pa.
Natawa naman sila at nagpaalam na sa isat isa dahil pupunta pa sila sa hospital.
Pagkarating nila doon ay lumapit sila sa kama ni Olivia. Pinagmasdan nila ito. Umupo naman si Xander sa tabi nang kama ni Olivia. Hinihimas himas niya ang buhok nito. Si Mr. Bautista naman ay pumunta sa sofa sumunod naman sa kaniya si Mrs. Bautista kaya si Xander nalang ang natira doon.
May pagkakataon pang nakangiti si Xander habang nakatingin kay Olivia. Dahil nababalikan niya sa isip ang mga sweeteness na ginagawa nila at iba pang nakakatawa at nakakamiss nilang ginagawa. Kaya sana gumising kana Olivia para naman madagdagan pa yung memories niyo ni Xander.
"Gumising ka na diyan mahal ko, madami na akong gustong i kwento sayo" sabi niya kay Olivia.
Alam niyang madidinig siya nito kaya sana gumising kana Olivia.
"Madami pa tayong gagawin, at alam mo bang namimiss kana nang kaibigan natin" ngiti niya.
Tumigil na siya sa kanyang ginagawa kaya pumunta muna siya sa banyo. Ilang saglit lang ay narinig niya si Mrs. Bautista na tinawag ang pangalan ni Olivia kaya nagmadali na siyang lumabas para makita kung ano ang nangyari. Pero ganon nalang ang gulat niya nang makitang gising na ito at inilibot ang paningin sa kabuuan nang kwarto niya. Hindi siya agad nakapagsalita parang may tumambol sa kanyang dibdib hindi dahil sa kaba kundi dahil ito sa sayang nararamdaman niya. Dahil sa wakas ay makikita na niya si Olivia na naglalakad, kumakain, gumagala, nag papatawa at marami pang dapat na gawin niya.
"Olivia! Babe" pagtawag niya nang mahimasmasan siya at mag sink-in sa kanya na talagang totoo na ito. Agad niya itong nilapitan at niyakap na walang pasabi. Napakahigpit niyon na para bang kay tagal tagal na niyang hindi ito nayakap.
"Xander, I can't breathe" utal utal niyang sabi. Natawa naman siya at kumalas na sa pagyakap nito.
"I'm sorry, I'm just so excited" galak niyang sabi.
Ngumiti naman siya at napatingin sa gawi kung saan ang mga parents nila. Dahan dahang nawala ang ngiti ni Olivia nang tumingin siya sa parents niya. Hindi siya makapaniwala na talagang sila na talaga ang totoo niyang mga magulang at nang dahil sa inggit siyay nawala sa kanila at nakaranas siya nang hindi perpektong buhay. Maraming nangyari nong panahon na nawalay siya sa kanila kaya ngayon talaga hindi siya makapaniwala at wala talaga siyang masasabi. Shes so speechless

BINABASA MO ANG
Ugly Girl (Completed)
Teen Fiction"Nay tama na po nay" umiiyak ko ng sabi sa nanay ko. Dahil pinagalitan niya ako kasi daw hindi ako nakapag ayos sa bahay. Palagi nalang daw hindi ako naglilinis ng bahay eh sa naglilinis naman ako ah ano pabang gagawin ko para makita naman ni nanay...