Chapter 17

332 25 0
                                    

Nang makita niyang tumango ang kanyang mga magulang ay bumaling siya sa dagat ng mga tao at nahihiya talaga siya dahil nakatuon sa kanya ang light. Nang bumaling nanaman siya sa kanyang parents ay nakita niya kung gaano kaganda ang mga ngiti nito siyaka siya  nagbaba ng tingin at kumawala pa siya ng malalim na buntong hininga siyaka niya dahan dahang inangat ang kamay papunta sa likuran ng kanyang ulo upang  tanggalin ang tali ng mask niya.

Pagkatanggal niyon ay dahan dahan naman niyang inangat ang ulo sa dagat na mga tao. At doon naghiyawan nanaman sa paghanga at hindi niya maiwasang ngumiti dahil sa paghanga na kanyang nakita.

"Ang ganda mo Miss. O" sigaw ng mga kalalakihan.

"Again please welcome the guest for tonight Miss Olivia Bautista!" sigaw nito sa madla.

"O my god si beshieee!" sigaw ni Azyleah.

"Ang tupak, hindi man lang tayo sinabihang siya pala ang guest, may pa sabi sabi pa siyang hindi siya sasali" saad ni Mira.

Napamaang lang na nakatingin si Xander sa kanya. Hindi niya inakalang dadalo siya, laglag panga pa siya dahil sa angking ganda nito. Simple lang pero makukuha mo talaga ang atensiyon niya.

"Wow!" mangha ding sabat si James.

"She looks like a barbie doll" papuri din ni Ethan.

"She looks beautiful" pabulong na sabi ni Evan.

Lahat ng mga kaibigan niya ay napamaang na nakatingin kay Olivia.

"Daming fans mo Miss Olivia" natatawang sabi ng amcee.

Ngumiti lang siya habang kumakaway sa mga estudyanteng naghihiyawan. Pagkatapos non ay inalalayan na siyang umupo kung saan maupo ang guest.

"Thank you"

"Your welcome"

Nagngitian pa sila sa isa't isa at pumunta na ulit sa center ang amcee. May sinasabi pa siya at pagkatapos non ay isinayaw na nila ang ka date. Pinagmasdan niya lang ang mga tao sa baba habang may ngiti sa labi.

Nang mag vibrate ang kanyang phone tinignan niya iyon. Nakita niya na tumawag si Mira. Hula niya pagagalitan siya dahil hindi man lang siya nagsabing pupunta pala siya at naging guest pa. Sinagot niya iyon.

"Hi" masayang bungad ko.

"Hinayupak ka talaga! Di kaman lang nagsabi sa amin na pupunta ka, akala ko ba mag bestfriend tayo" pagtatampo niya pa kunyari.

"Bumaba ka nga dito kailangan mong mag explain sa amin" singit pa ni Azyleah. Tatawa tawa naman niyang tinignan sa baba ang mga kaibigan niyang matalim na kung tumitig sa kanya.

"Okey okey, wait I'll come" nakangiting sabi niya.

"Happy huh" pagtataray ni Mira.

Binaba na niya ang phone at tumayo na siya para pumunta sa baba. Nang nasa hagdan na siya ay may kamay na umalok sa kanya. Pagkatingin niya dito ay lalaki hindi niya kilala. Nginitian niya ito sabay tanggap sa kamay.

Nang makarating siya sa table ng magkaibigan. Magpapasalamat pa sana siya sa tumulong sa kanya pero hindi na niya nagawa dahil agad na siyang pinagkaguluhan ng dalawang kaibigan niya.

"Tayka lang" pagpigil ko sa kanila dahil magpapasalamat pa siya sa lalaki.

Pero nang bumaling siya ay wala na doon ang lalaki. Nahiya naman siya dahil thank you man lang hindi niya maiparating. Bumaling nalang siya sa mga kaibigan niya na ngayon ay matamis na ang ngiti nito.

Ugly Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon