Sherine"Bakit daw laging nauurong ang reunion? Anong klaseng reunion 'yan?" Takang tanong ko kay Ivan na kasalukuyan kong kausap sa cellphone.
Naudlot ulit ang uwi niya dito galing maynila dahil iniurong na naman ang reunion. Is there something happened in Madrid? Ngayon lang kasi nangyari na inurong at hindi sinunod sa date ang reunion namin. Parang ayaw pa ata nila na mag kita kita silang lahat.
"I don't know, cou. Just prepare yourself nalang-" halata ang pagod sa kaniyang boses.
"I'm prepared naman na! Tsaka, kung kayo break ang date na 'yan, sa amin opening ng instrums 'yan, kaya hindi ko sure kung makakarating agad ako." Umikot ang mata ko. "Busy akong tao."
"Nakaka hiya naman sa'yo. Gusto mo ipasundo nalang kita-" nanlaki ang mata ko.
"Don't you dare!" He chuckled in the other line. Naalala ko dati nagpa sundo ako sa kaniya ay limo ang ginamit niya, agaw pansin sa school! "Wag kana mag-abala, pupunta ako kahit gabi!"
Matapos ang tawag ay tsaka ko tinapos ang niluluto ko. It's pass 12 in the afternoon and I am really starving to death. Ngayon lang kasi ako pinakawalan ni Jen at nakakapagod ang challenge na ginawa niya ngayon. Ang hirap magkaroon ng kaibigan na vlogger.
Kung anu-ano ang challenge na kinukuha. I remember one time she accepted the 'can't say no' challenge. Kumuha kami ng limang bata sa lugar nila Elias at inilabas ng maynila. Shit, almost 50k to 150k ang nagastos niya. Nadamay pa kami ni Elias para mag bantay ng bata.
Nag-grocery ba naman kami at namili ng mga laruan para sa kanyang mga kapatid. Tatlong cart at isang cart doon ay puro frozen goods. At dahil walang ref ay bumili pa si Jen ng Ref.
But she said, it's okay, sasahurin niya parin naman daw. Iba talaga kapag angat sa buhay ang pamilya ano? Angat din naman pamilya ko- hindi nga lang ako.
Ayoko nga na masyadong na e-expose sa internet at social media dahil baka malamangan ko siya, baka ma discover ko- sira ang career niya. Kawawa naman si Jen kapag ganon.
Nag handa ako ng isang plato sa lamesa at akmang kakain ng tumunog ang cellphone ko. Nangunot ang noo ko ng mabasa nanaman ang pangalan niya.
Ako:
Why?!
Jen:
Ay, galit na galit?!
I rolled my eyes and typed.
Ako:
Kumakain ako!
I didn't get any replies and I was about to eat my lunch when my phone suddenly rang.
Inis kong nilapag ang kutsara at sinagot ang tawag. Ini-on ko ang loud speaker para maka kain ako habang kayawagan siya.
"Sherine! Upon browsing on my feed I saw a familiar girl- artista!" Bungad niya saakin.
Nagtuloy ako sa pagkain. "Hindi ako nanonood ng tv."
"I know. Pero ito kasi kamukha ni meilka!"
Dito ako natigilan. "Weh?"
"Oo nga! Kita tayo mamaya papakita ko sa'yo!"
Binaba niya ang tawag at naiwan naman akong nagtataka. Hanggang ngayon parin ba ay hinahanap pa rin nila si Meilka? Wala naman na kasi akong nababalita na hinahanap pa siya o baka talagang tahimik lang sila na nag hahanap?
Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip ni meilka at bakit siya umalis? I am not on her shoe that time and I don't know the reason behind it, pero bakit mo naman iiwan ang marangya mong buhay dito?
BINABASA MO ANG
Building Promises ( Ventura Series #2 )
RomanceVentura series #2 "I fall for a heart that doesn't beat as loud as mine." (Engineer X Architect) 2020-2021