Kabanata 36

68 15 5
                                    

Sherine

It is not Ranzel's fault. He doesn't deserve to suffer in that way. I know. Paano ko nga ba matatama ang lahat para maging maayos ang lahat? Hindi madaling makalimot si Ranzel, bawat detalye ay maaalala niya at nagsisisi ako kung bakit dinagdagan ko pa ang masasamang alaala niya. I've become selfish without knowing his side.

Nang maka uwi kami ng bahay ay naabutan ko si Astraea na naka upo sa sofa habang katabi si Jen , may gatas sa lamesa na timpla ni Jen pero hindi pa ito nababawasan kahit kaunti.

Tumakbo sa akin ang anak ko at niyakap ako sa bewang. Mahina ang kaniyang paghikbi pero nararamdaman ko parin.

"I think I need to go? Need ko na mag ayos para sa meeting mamaya." Ani Jen.

Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya.

Agad na sumabat si Yñigo. "Hatid na kita-"

"Hindi na," putol sa kaniya ni Jen. "Baka nandyan na ang boyfriend ko pero salamat sa alok." Naglakad ito papunta sa akin at niyakap din ako bago umalis.

Napa baling ako kay Yñigo at sabay kaming bumuntong hininga. Naupo ako sa kalapit na sofa at pina-upo ang anak ko sa tabi. Ako mismo ang nagpunas sa luha niya na walang tigil sa pagtulo.

"Tumahan kana, baka magka sakit ka n'yan." Pagtahan ko.

Inilabas ko ang bimpo mula sa bag at pinunasan ang kaniyang likod na basang-basa ng pawis. Maya-maya ay paliliguin ko nalang siya para ma preskuhan.

"So, what's your plan?" Nag-angat ako ng tinggin kay Yñigo.

"I know what I am going to do now, Hermano. Kailangan ko lang unti-untiin mula sa una." Aniko.

Tumayo ako habang hawak ang kamay ni Astraea at kasama siyang pumanik sa taas. Gaya ng dati ay pinagpahinga ko muna siya bago pinaligo. Nakikita kong pasimpleng tumitingin sa akin si Astraea wari'y naghahanap ng tyempo para makapagtanong. Umiiwas lang ako ng titig sa kaniya at hindi sinasalubong ang kaniyang mga mata.

"Kapag tapos mo maligo ay matulog ka," Utos ko.

Kapag pasok ni Astraea sa Banyo ay kinuha ko ang kaniyang bagpack tsaka nilagyan ng mga damit. Dalawang pares ng damit pambahay, isang pantulog, under wear at mga bimpo. Kasya na siguro ito sa dalawang araw. Matapos ay nilagay ko ito sa isang tabi at lumabas ng kwarto.

Hindi ko mapigilang hindi matulala habang iniisip ang mga dapat kong gawin ngayon. Inaalala ko ang kalagayan ng anak ko. Ayokong puro tanong ang isipan niya tungkol sa nangyari kanina- masama sa kalusugan ang maraming iniisip, baka magka insomnia pa ang anak ko. Hindi naman na siya bata para baliwalain iyon, may sarili na siyang isip.

Hindi ko gustong maranasan niya ang mga naranasan ko noong nasa ganiyang edad ako. Puno ako ng tanong at walang sino man ang makakasagot nito kundi ang papá ko, pero dahil wala na siya ay wala na ring makakasagot my mga katanungan ko.

I was once a child and I know what are struggles of being a kid. My child's mental health is important.

Alas tres ng hapon ng maabutan ko ang pinsan ko na nag ka-kape sa kusina. Pumunta ako sa ref upang gawan ng Sandwich si Astraea para may makain paggising.

"Kumusta si Astraea?" Tanong nito at humigop ng kape.

I shrugged. "Tulog pa siya, nakatulog dahil sa iyak n'ya."

Humigop ulit siya ng kape na may kalakasan na ang tunog. "Ang sarap pala mag kape kahit sobrang init 'no?" Aniya.

Taka ko siyang tinignan ng may maliit na ngiti sa labi. "Masyado mo naman ina-dapt ang pagtira sa pilipinas." Asar kong at natawa.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon