Sherine
Ala sais nang gabi at tumawag sa akin si Jen dahil kinakamusta na rin ako ng anak ko. Biglang gumapang ang guilt sa akin nang marinig ko ang boses ni Astraea. Nakita at naka-usap ko ang ama niya pero hindi ko manlang nasabi ang tungkol sa anak namin.
I don't see any girls around him but I assume that he has a girlfriend, co'z why not? He's single, successful, handsome and he looks like he is ready to make a family. I just wish that if ever he knew about Astraea's existence, I hope he accept our child- kahit hindi akuin ang pangalan, I just want Astraea to meet his Dad.
Sinabi ko noon na hindi niya makikita ang anak niya. Pero hindi ko kayang tiisin si Astraea, I know she wants to meet her father so bad.
"Hello, sherine!" napakurap ako dahil sa boses ni Jen. "Astraea is asking if we can stay up until mornin'-"
"No," mabilis na sagot ko. Napasintido ako dahil sa inis kay Jen. "Matutulog siya ng maaga- bawal mag puyat, bawal junk foods at kape! Jusko naman, bata pa si Astraea, Jen!"
Narinig ko ang marahas na buntong hininga niya sa kabilang linya, "bata nga! She should enjoy her childhood, my ghad! When will you let her play in the dirt, eat whatever she likes and climb the trees! Parang hindi ka naging bata!"
"Are you questioning me for being a mother? I know what's the best for my daughter-"
"And I know what she makes her happy. She's your daughter not a doll! Hindi mo siya kailangan bihisan, pakainin, o ayusan ng kusa- may sariling isip ang anak mo," Nagakat ko ang aking ibabang labi ng marinig ang boses ni Astraea at sinasabing huwag akong awayin.
"Mahina ang kalusugan niya," aniko.
"I know... ako na ang bahala-"
Naputol ang pag-uusap namin ng biglang naputol ang tawag. Napa tinggin ako sa cellphone ko at umikot ang mata ko nang makita ang number ni Johnrey. Walang ano-ano'y sinagot ko ito.
"Yes?" Tanong ko.
"Party tonight at tequila's Bar, sagot daw ni Ranzel." Kapagkuwan ay naging mapanukso ang kaniyang boses. "uy, reunion ng past lover-"
"Walang reunion! Hindi ako sasama-"
"too late, pinasundo na kita," aniya.
Natigilan ako at nap awang ang labi.
"You what?!" I asked in a low tone.
"Sabi ko pinasundo kita, nandito na kasi kami ng ibang employees. Pagbigyan mo na kami, ito na ang huling araw ko sa maynila-"
"Oh, please, kahit ito ma ang huling araw mo sa mundo! Pagod ako! Hindi ako sasama!"
Pinatay ko ang tawag ay padabog ni nilagay sa sink ang plato ko. Hinugasan ko muna ito bago nagpunta sa kwarto upang maligo. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi, kung pantulog ba ang kukunin ko o dress. Napakamot ako sa ulo dahil sa hindi malamang gagawin.
Akmang aabutin ko ang pajama nang marinig ko ang doorbell ng bahay. Inilibot ko ang tiwalya sa aking leeg at lumabas ng kwarto at walang buhay na lumakad papunta sa pinto.
Nang buksan ko ang pinto ay natigilan ako dahil sa tumambad sa akin.
"Are you planning to come with us," Napalunok ako dahil sa lalim ng boses ni Ranzel, sa kaniyang gilid ay si Ajay habang naka balikat ang coat.
Ngumiti sa akin si Ajay, "Sir. Ortiz texted me while on my way but I saw an old friend in the middle of street with a broken wheels so I've decided to-"
"oh, please, shut up, Ajay. Hindi ko hiniling na mag kwento ka." Asik ko dito.
Bumaling ako sa kanila at tinignan sila mila ulo hanggang paa. Pormadong pormado, balak pa atang maghakot ng chix sa Bar.
BINABASA MO ANG
Building Promises ( Ventura Series #2 )
RomanceVentura series #2 "I fall for a heart that doesn't beat as loud as mine." (Engineer X Architect) 2020-2021