Kabanata 23

74 19 10
                                    

Sherine

Alas sinco ng hapon ng umuwi ako sa bahay upang mag-ayos. Naging normal ang lahat at maging si Jen. Hindi ko mapigilan ang panlalamig ng aking kamay habang inaalala ang kalagayan ko ngayon.

There is no use of blaming myself. Nangyari na. Tapos na. All I need to do is to make things right. I bit my bottom lip. Tatanggapin kaya ni Ranzel? He is a responsible man to his family, siguro naman ay pananagutan niya ako.

Inilagay ko ang PT sa aking pouch kasama ang phone ko. Kapag kuwan ay lumabas ako ng condo at doon ko naabutan sila Yuna at Ivan. Naka suot si Yuna ng simpleng puting dress habang naka tux si Ivan.

Parehas pala kaming naka puting dress ni Yuna. Pinapalitan ko kasi noon dahil hindi na kasya ang nauna kong binili.

They smiled at me.

I tried to smile back at them.

Sinakyan namin ang sasakyan na dala ni Ivan papunta sa mansion.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at pinipilit na huwag mag-alala. Magagalit saakin si tita at mga kamag anak ko kung malalaman nilang buntis ako. Pero siguro naman ay mababawasan ang galit nila kung malalaman nila na pananagutan ako ng ama nito.

I know Ranzel will accept this child. He's a good man after all. Mahal niya ako at tatanggapin niya ako.

I know. Kaya nga kampante ako ngayon.

Sana lang talaga.

"Are you okay, coz? We're here na." Ani Yuna. Tumango ako at bumaba ng sasakyan.

Bumungad sa akin ang nakaka relax ng musika mula sa violins at piano habang nag titipon-tipon silang lahat, nag-uusap at nagkakamustahan sa isat-isa. Agad na nakita ko ang naka taas na kilay ni tita zon ngunit pumasok lang siya sa loob upang iwasan ako.

Galit pa siya saakin at kung hindi sahil sa reunion na ito ay hindi ako makakatungtung sa mansion.

Naramdaman ko ang pag tapik saakin ni Ivan. "We got your back." Usal niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay at agad na bumungad saakin ang nakangiting mukha nila grandpa at grandma.

Naka ngiting sinalubong ko silang dalawa at mahigpit na niyakap. Miss na miss ko sila. Ilang taon din ang nagdaan mula ng makita at makasama ko sila grandma at grandapa.

"I miss you my apo, you're so beautiful." Hinawakan ni grandma ang magka bilang pisngi ko.

Hindi ko napigilang mapa luha dahil dito. Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako o talagang miss na miss ko lang sila. Masyado akong emosyonal.

"Mabuti at nandito kana. Kanina ka pa namin inaantay. Nasaan kaba nag punta? Wala ka sa iyong kwarto..." ani grandpa.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Ayokong mag sinungaling pero ayokong awayin nila si tita.

"Nagpa ayos lang po ako ng buhok ko." Pagdadahilan ko. Napaluhod ako sa kanilang harapan habang lumuluha. "Miss na miss ko kayo..."

Narinig ko sa aking likuran ang halakhakan ng iba. Marahil ay dahil sa hindi nila inaasahang pag-iyak ko.

"Baka madumihan ang damit mo, Sherine. Tumayo kana r'yan." Boses iyon ni Ivan. "Miss na miss mo na sila pero kami gutom na- ikaw nalang ang inaantay!"

Natawa ako at nag punas ng luha. Inalalayan ko silang dalawa papunta sa dinig hall at sabay sabay na kumain. Ilang taon na rin magmula ng makasama kong kumain sa iisang hapag sila grandma at grandpa. At sobrang saya ko talaga ngayon.

Masyado na ata akong nagiging emosyonal.

Hindi ko man sila nakasama sa pag laki ko ay naging parte sila ng buhay ko. Lalo na noong buhay pa si papa.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon