Kabanata 3

127 21 22
                                    

Sherine

Alas syete ng umaga ng mag simula akong mag walis ng mga balat ng chichirya at mga plastik sa tapat ng apartment ko. Ayoko naman na si manang len pa ang gumawa nito eh ang tanda tanda na noon? May mga kapit bahay nga, wala namang kwenta. Magagaling lang talaga sila sa chismisan. May palagay lagay pa na linis ko tapat ko sign — hindi naman malimisan ang tapat.

Kakatapos ko lang talaga sa pag jogging kaninang madaling araw at pag-uwi ko ay kumuha agad ako ng walis at daspan ng makita ko ang mga kalat. Hindi ko na inabalang mag palita pa dahil wala namang makikita sa sports bra ko at isa pa, wala rin naman na nadaan. 

Buti walang asungot. 

Ilang araw na din ang nag daan mula ng makita ko ang gago na 'yon, nahiya siguro sa ginawa niya saakin. Daig pa ang babae. Baka pag inulit niya pa iyon ay baka mapilitan nalang ako mag abugado at ipapakulong ko siya.

Napa ngiti ako ng maalala ang ginawa niya. Matapos niya akong halikan at bigla nalang siyang nag takip ng mukha at nag tatakbo paalis, dala dala niya pa ang tumbler ko! Ang lakas ng loob na manghalik tapos tatakbo takbo?

Duwag. Babaero na Duwag.

"Hindi ka muna nag bihis bago ginawa 'yan?" Napa talon ako sa gulat dahil sa nag salita. "Wow, gan'yan pala ang epekto ko sa'yo?"

Lumingon ako kay Ranzel at namaywang. Kita ko naman ang agad ng pag baba ng mga tinggin niya sa katawan ko. 

Speak of the devil.

"Eyes up here, Ranzel. Stop eye raping me"

He blinked twice. "I'm just appreciating the view, you know, God's blessings."

Inirapan ko siya at hinampas ng walis at dahil doon at bigla akong tinahulan ng aso niya. Kingina! Hindi ko nakita na may aso pala siya,kamukha niya rin kasi mga aso niya.

"Yan kasi, 'wag mo kasing sasaktan ang amo... kakagatin ka n'yang alaga ko"

Imismiranko siya. "Sabihin mo d'yan sa aso mo na huwag kunsintidor!" Kapagkuwan ay bumaling ako sa mga mata niya. "Bakit ka naka salamin ng ganiyan? Anuyan?" Taka kong tanong habang naka tinggin si salamin niya na kulay orange at natatakpan lahat ng mata.

"Ito..." sabay turo niya.

"Hindi, yung sa aso mo. Kingina ka, malamang 'yang sa'yo..."

Ngunit bago pa sya maka sagot ay may nag salita na sa likuran ko. "Dark therapy..." napa linggon ako ng makita ko si jen, mat hawak hawak siyang supot ng plastic at umiinom ng RC at may hawak na camera. 

Ang aga(aga pa para sa RC.

Nagulat rin ako ng makita sa kaniyang likuran si monica. Mag kakilala pala sila?

"Bakit kailangan mo mag dark therapy? T-teka nga—"

Bago pa matapos ni jen ang sasabihin niya ay bigla siyang hinatak ni Ranzel Na ikina gulat ko. At hindi pa siya kinagat ng aso, siguro ay dahil hindi niya nakita na sinaktan ni jen ang amo niya. Hmp, kunsinditor na aso.

Nag punta sila sa malayo dahilan upang hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Kita ko ang masinsinan nilang pag-uusap at ang papalit palit nilang emosyon, maya-maya lang ay ngumiti ang kupal na ikina taas ng kilay ko. I didn't know that he can smile that way.

Pero sa akin lagi lang siyang naka ngisi na tila may binabalak na masama.

Inis ako nag-iwas ng tinggin at sa hindi malamang kadahilanan ay napa baling ako kay monica na ngayon ay matiim na naka titig sa akin.

"Jelly ka?" Tanong nito. "Jellybells ka 'no? " tukso niya sa akin.

"Bakit naman ako mag seselos? Hindi ko naman siya gusto, saka I like girls more" asik ko.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon