Sherine
Mula alas sinco ng Umaga hanggang ngayon ay hindi ako bumangon sa kama kahit na gising ako. Tahimik akong nakatitig sa kisame ng kwarto. Bumangon lang ako dahil narinig ko ang boses ni Astraea sa baba na hinahanap ako. Kasama niya ngayon si Jen. Nakapajama pa silang dalawa pero maaliwalas na ang mukha.
May dala-dala silang pagkain na almusal at nag presinta rin si Astraea na siya ang maghahain sa amin.
"Alam mo may kasalanan ako sa'yo-" agad kong sinamaan ng tinggin si Jen. "Maliit lang naman s'ya, e." Aniya.
"Ano 'yun?"
"Nangako ako kay Astraea-"
"Jen!" banta ko sa kaniya.
"Patapusin mo ako!" nagkamot siya ng ulo. "Nangako ako kay Astraea na ipapasyal ko siya mamaya sa parke tapos maglalaro kami-"
"Okay..." pagpayag ko.
"okay?"
"Okay..."
"Sure kana?"
Sinamaan ko siya ng tinggin. "Babawiin ko 'yon-"
"walang bawian! Mamaya, a? Alis kami mga 11"
Tumango ako sa kaniya at humigop ng kape. "Sasama ako, hindi pwedeng kayo lang."
Ramdam ko ang titig sa akin ni Jen pero hindi ko na siya tinignan ulit. Pinanatili ko ang aking tingin sa anak ko na abot langit ang ngiti habang nag-aayos ng pinggan sa mesa.
I admitted, I slightly spoiled Astraea- but not in material things. Pinagsisilbihan ko si Astraea mula ng bata dahil alam ko na bukod sa kamag anak ay siya nalang ay magiging katuwang ko sa buhay. Gusto kong maramdaman niya ang pinaramdam sa akin ni papá noon- pero hinding-hindi ko iiwan si Astraea.
My father became weak and selfish, but not me. I will never abandon Astraea.
"Mamá, I received a phone call from tìo Yñigo a while ago." Masayang kwento niya.
I raised my eyebrows. He called Astraea but he didn't call me? That's new.
"Ano sabi?"
Nang maayos ang lamesa ay agad na tumabi siya sa akin habang si Jen ang nagsalin ng mga pagkain. Lumapit sa akin si Astraea at bumulong sa tainga ko.
"I think she likes mama Jen." Nanlaki ang mata ko. Tumango si Astraea. "But papa gel is too possessive!"
"I heard my boyfriend's name..." sabay kaming napa tingin kay Jen. "Ano 'yun?" tanong nito.
Natigilan kami kapagkuwan ay sabay kaming umiling ng anak ko at ngumiti dito. Tumikhim ako upang baguhin ang usapan.
"Uh... punta tayo kila Elias? Sa Park lang ba tayo? Why don't we play hide and seek in the forest?"
Nagulat ako ng biglang tumili ang anak ko at si Jen.
"That's good mamá! Let's hunt stag beetles!"
Medyo kinakabahan ako. Hind ko alam kung bakit. Himala at napatawag si Yñigo— at kay Astraea lang talaga? Hindi naman siguro siya pupunta dito. Hate na hate niya kaya ang pilipinas!
Nagkibit balikat ako at nagtuloy sa pagkain. Masyadong madaldal siya Astraea kaya nawala sa isipan ko ang tungkol sa pinsan kong si Yñigo. Punong-puno ng enerhiya si Astraea pero hindi rin naman ako dapat magpakampante.
Baka masigla siya ngayon pero kinabukasan ay aapuyin na naman siya ng lagnat at ilang linggo ulit na manghihina. Ito ang dahilan kaya bantay Sarado ko siya at hanggat maaari ay iwasan niya mag laro ng sobrang tagal- baka hapuin at magsakit ulit. Pakiramdam ko ay namamatay ako sa tuwing dadaing sa akin si Astraea.
BINABASA MO ANG
Building Promises ( Ventura Series #2 )
RomanceVentura series #2 "I fall for a heart that doesn't beat as loud as mine." (Engineer X Architect) 2020-2021