SherineSa nalalapit na pag tatapos ng first semester ay naging abala ang lahat para sa mga kani kanilang gawain. Minsan nalang din kami mag sama nila jen at Elias dahil busy kaming lahat. Kung minsan ay nag kaka salisi pa kami ng mga bakanteng oras.
At hindi nawawala ang competition tuwing last week ng semester. Kaya naman kahit madami kaming ginagawa ni Elias ay humanap kami ng paraan para makapanood sa laban ng kaibigan namin.
Last batch mag lalaban sila jen at chesca. At ang magiging judge ay ang representative ng tourism, engineering at architecture pati naging ang psychology student at may business management pa. I raised my eyebrows when I saw Ranzel who is one of the judge. He is with Johnrey, the representative of engineering. Also, Monica is with them, the representative of psychology course. Mark, on the other hand the representative of tourism. And Lux the representative of Business management.
Kung tutuusin ay mananalo si jen, heck, halos kilala niya lahat ng judge. Kung sakaling manalo siya ay pwede 'yon gamit laban sa kaniya. At hindi ba sila nag-iisip? Bakit ginawa nilang judge ang kuya ni Jen?
Sa sagot nalang talaga ang mag papanalo sa kanila.
Napa iling ako. She's in danger. I can clearly see that she's freaking nervous right now.
Speaking of Ranzel, it's been a week since I last saw him. After the incident in my apartment I never saw him again. Baka balik na naman siya sa pambababae, tutal naman nakuha na niya ang gusto niya.
Gumapang ang init sa mukha ko ng maalala ang tagpo na 'yon.
Gosh, bakit ganon ako karupok? Dapat hate ko siya kasi isa siyang kingina na intsik! Pero bakit kasi hinayaan ko lang 'yun?! May kasalanan din ako.
"Are you okay? Bakit namumula ka?" Nagulat ako sa tanong ni Elias. Really sherine? Namumula ka?
"Ha? M-mainit kasi, bakit kasi napaka init dito? Kulang ang electric fan" ani ko sabay paypay sa sarili.
Nangunot ang noo niya at nag libot ng tinggin. "Ayun oh, may kumakaway sayo" agad akong napa tinggin sa tinuro niya. And there I saw Ajay, he is waving his hand to me while wearing his creepy smile. "Umupo ka na doon, malapit ang electric fan. Tatayo nalang ako sa gilid duon para mag kasama parin tayo"
Tumango ako at pumunta kay Ajay. Tanging isang upuan nalang talaga ang meron at para sa akin 'yun. Kaya naman ay tumayo nalang si Elias kasama ng ibang naka tayo sa gilid ng quadrangle.
"Ang ganda mo ngayon, honey" napa irap ako kay Ajay.
"Maganda naman talaga ako, manahimik ka d'yan at baka masapak kita" asik ko sa kanya.
Sa hindi malamang kadahilanan ay may naramdaman akong naka tingin sa akin, kaya naman lumingon ako sa kanan ko at duon ko nakita si Ran na blanko ang tinggin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tinggin at bumaling sa kaibigan ko.
"Chesca aren't gonna make it..." dinig kong sabi ni ajay. "It's too unfair, halos kilala ni jen lahat ng judge. Pwedeng may mangyaring dayaan." He said, but I didn't bother to look at him. "Kung mas may kawawa, si chesca 'yun—"
Hindi ako naka tiis at humarap ako sa kaniya.
"Pwede ba, kung kinakampihan mo si chesca dahil sa awa ay mabuti pang tigilan mo. Hindi ka nakaka tulong manahimik ka nalang d'yan at—" natigilan ako ng bigla niya akong halikan sa gilid ng labi ko.
"You talk too much, mag sisimula na ang laban—"
Hindi ko na narinig ang sinabi ni ajay ng biglang may ingay ang speaker, napa baling ako duon at nakita ko si Ran na inilapit ang mic niya sa malaking component.
BINABASA MO ANG
Building Promises ( Ventura Series #2 )
RomanceVentura series #2 "I fall for a heart that doesn't beat as loud as mine." (Engineer X Architect) 2020-2021