Dalawampu't Pito

7.7K 265 14
                                    

  Kinuha ko ang espada sa lapag at tinulungan muna sila Beazen. Marami na rin sugat ang kalaban nila pero mas malakas pa rin ito sa kanila.

"How da-dare that ugly creature," nanghihinang sabi ni Beazen at bahagya pang tumawa.

"Shh, don't talk," inis na sabi Ijaro.

Habang ginagamot niya si Beazen ay ako muna ang humarap sa kalaban nila. Tumingin sa 'kin ang ferru at itinabingi ang ulo nito. Hindi siya makakapagsalita dahil nakatahi ang bibig niya.

Ako na ang unang sumugod at hindi ko maikakala na mabilis siya pero hindi kasing bilis ni Lyncon. Patuloy ang banggaan namin ng espada hanggang sa makakita ako ng butas kaya naman agad akong nagpatama ng tubig sa paa niya na ikinatumba nito.

Mabilis kong sinaksak ang espada sa likuran nito at pikit matang hiniwa ang ulo nito. Hinihingal kong tiningnan ang katawan ng ferru na unti-unting nagiging abo.

"Ayos lang kayo?" tanong ko sa kanila.

"Oo, pero tutulungan ko muna ang iba r'on," sabi ni Ijaro at itinuro ang ibang lobo na nilalabanan ang isang ferru.

"Sama ako!" sigaw ni Beazen.

"Stay here or else I will never ever kiss you again," madiing sabi ni Ijaro bago umalis para tulungan ang kasamahan namin.

Nanlaki ang mata ko at dahan-dahan napatingin kay Beazen na namumula ang mukha.

"Si-sinong may kailangan ng halik mo?!" sigaw na tanong niya at biglang tumingin sa 'kin.

Tumikhim ako at pinunasan ang putik sa kamay ko.

"Don't act like you didn't hear it!" sigaw niya kaya napangiwi ako.

"Da-dadalhin na lang kita sa gilid." Tinulungan ko siya na makaupo sa gilid na medyo tago para walang umatake sa kanya.

"Where are you going?" tanong niya.

"Tutulong ako."

"Pero namumutla ka na," sabi niya.

Ngumiti naman ako.

"Ayos lang ako," sagot ko at tumakbo na paalis.

Inilibot ko ang paningin ko para hanapin si Vrexus at doon ko siya nakita na patuloy pa rin na nakikipaglaban kay Lyncon.

Nagpalabas ako ng tubig sa aking kamay at ibinato 'yon kay Lyncon. Napunta naman ang atensyon niya sa 'kin at ngumisi.

Itinutok niya sa 'kin ang kamay niya at sa bilis ng pangyayari ay hindi ako nakagalaw. May itim at patusok na bagay ang papunta sa 'kin.

Sinubukan kong ikilos ang paa ko pero may taong tumulak sa 'kin paalis doon.

"Vrexus!" Mabilis kong nilapitan si Vrexus na ngayon ay may malaking hiwa sa tagiliran niya.

"Careful," sabi niya at tumayo na parang wala lang sa kanya ang sugat na 'yon.

"Azura, sa likod!" Tumingin ako sa likod ko at inawasan ang atake ng ferru.

Sinipa ko ito at mabilis na ibinaon ang espada sa puso nito ng makarinig ako ng daing.

Mabilis akong napalingon sa kinaroroonan ni Vrexus at halos hindi ako huminga sa nakita ko. May nakabaon na espada sa kanyang tiyan at tumagos 'yon sa likod.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon