Dalawampu't Lima

7.5K 261 8
                                    

Azura

Halos mangimbal ako sa nakita paglabas namin ng mansyon. Nandito nga ang mga Ferru, nakikita ko rin ang ibabang nilalang na tinutulungan ang aming panig na labanan ang mga Ferru.

"Ang Reyna ng mga Sirena," mahinang sabi ko ng makita ko siya na nakikipaglaban.

Napatingin ako sa iba pang nilalang na lumalaban din. Sila Beazen, Ijaro, Neon at Vrexus. Pati ang mga Elders, sigurado ako na pati sila ay nakikipaglaban din.

Anong ginagawa ko? Bakit ako tumatakbo?

"Azura, bilisan mo!" sigaw ni Miranda.

Huminto ako sa pagtakbo at hindi hinayaang mahila ako ni Miranda.

"Azura," hinihingal na sabi niya. "Umalis na tayo."

"Hindi ako maaring tumakbo, Miranda," sabi ko at mapait na napangiti.

"A-ano bang sinasabi mo?" naiiyak na tanong niya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Kailan kong lumaban, kaya kong lumaban. Hinti matatapos ang gulo kung patuloy ko itong tatakbuhat," sabi ko.

Napatango naman siya at mariing hinawakan ang kamay ko.

"Kung 'yan ang gusto mo. Nandito lang ako sa likod mo kung kailangan mo ng tulong." Tumango ako at nagpalabas ng apoy sa aking mga kamay.

"Luna, what are you doing?!" Napatingin ako sa sumigaw.

Si Elder Fiona.

"Why are you still here?!"

"Luna, you need to run," usal ni Elder Milton.

"Kami na ang bahala rito, umalis na kayo," sabi naman ni Elder Mazon.

Umiling ako.

"Hindi ako maaring tumakbo." Binato ko ng apoy ang mga kalabang nasa likod nila.

"Pero—"

"Laban ko 'to, nadamay lang kayo," sabi ko.

"Kung gan'on, mag-iingat ka." Tumango ako at huminga ng malalim.

Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa kaba pero kailangan kong maging matapang. Hindi ako aatras.

"Mag-iingat din kayo." Tumakbo na sila paalis para tulungan ang ibang kasamahan namin.

Patuloy kong pinapaulanan ng apoy ang mga kalaban pero tila hindi sila nauubos. Tumingin ako kay Miranda na may hawak na espada.

"Sabi ko na nga ba." Muntik ko ng mabato sa ng apoy sa gulat ang taong nag-salita sa likod ko.

"Beazen!" sigaw ko na ikinatawa niya.

"Sorry. Hay, matigas talaga ang ulo mo," sabi niya.

Napangiti ako.

"Sabay sabay natin 'tong tatapusin." Ngumisi siya sa 'kin at mahinang siniko ang bewang ko.

"Siyempre naman." Kumindat siya sa 'kin bago bumalik sa laban.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon