Siyam

9.2K 321 5
                                    

Azura

Nakatingin ako kay Ijaro habang hinahanda ang aming makakain. Matapos kasing umalis ni Vrexus ay pumasok na rin siya upang magluto. Gusto ko pa sanang tumulong ngunit hindi niya ako pinayagan at hinayaan na maupo na lamang sa upuan ngunit pansin ko ang pagiging matamlay niya.

"Ayos ka lang, Ijaro?" nagtatakang tanong ko.

Tinapunan niya ako ng tingin at tipid na ngumiti.

"Ayos lang ako," sagot niya at umupo sa tapat ko. "Kumain na tayo."

Nag-umpisa na kaming kumain at doon din ako nakakuha ng pagkakataon upang magtanong tungkol sa mga salita na kanilang sinasabi. Matalas naman ang aking memorya at mabilis akong matuto kaya nakukuha ko kaagad ang ibang salita na tinatawag nilang english o ingles sa wika ko.

"Eh ano naman ang fak?" tanong ko.

Natigilan sa pagsubo ng makakain si Ijaro at napalunok.

"A-ano . . . " Lumikot ang kanyang mga mata kaya nagtaka ako. "Masamang salita 'yon kaya huwag mo ng babanggitin 'yon," sabi niya kaya mabilis akong tumango.

Masamang salita? Maari ka bang makapag palabas ng masasamang nilalang kapag sinabi mo iyon? Pero palagi ko siyang naririnig mula kay Vrexus.

Matapos namin kumain ay pinagpatuloy namin ang pag-aaral ko sa salitang iyon at tawag sa ibang gamit na hindi pamilyar saakin. Sinabi niya rin ang hindi ko dapat sabihin, hindi raw iyon nakakapagpalabas ng masasamang nilalang ngunit maari mong magalit o masaktan ang isang tao kapag sinabi mo iyon.

Mabilis na lumipas ang oras at kailangan ko ng umalis dahil malapit nang lumubog ang araw.

"Bibisita na lang ako muli," nakangiti kong sabi.

"Ihahatid na kita," sabi niya at isinara ang pinto.

"Wala ka bang gagawin?" tanong ko.

"Wala," sagot niya.

Nagsimula na kaming maglakad paalis habang nagku-kwentuhan.  Tinanong ko ang tungkol sa mga nakita niya sa mundo ng mga tao at kung ano ang naranasan niya roon.

Sabi niya halos wala raw pagkakaiba sa mundo namin, bukod na sila ay mortal at walang mga kapangyarihan.

"Tungkol naman sa aming lahi. Wala kasi akong masyadong alam tungkol doon dahil sila Ina at Ama lang ang nakasama ko sa bahay," sabi ko.

Ngumiti naman si Ijaro.

"Bata pa lang ako ng mapunta ako sa lugar n'yo kasama si Ama at unang kita ko palang doon ay tinawag ko na 'yong paraiso," sabi niya.

"Paraiso ang aming tahanan? Maraming diwata na kagaya ko?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo, sobrang sagana ang kanilang pamumuhay at kahit isa kaming majikero ay tinanggap nila kami na para bang isa sa kanilang pamilya. Doon ako nag-umpisang mangako sa sarili ko na po-protektahan ko ang lahi n'yo."

Napansin ko ang paglungkot ng mukha nito.

"Pero nabigo ako," mahinang sabi niya at napayuko.

"Oy." Nakangiti kong sinilip ang mukha niya. "Huwag mong sabihin 'yan, hindi mo kaya mag-isa ang mga kalaban at hindi mo 'yon kasalanan. Alam kong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo."

"Pero—"

"Alam kong malakas ka, Ijaro. Pero lahat ng lakas ay may hangganan." Ngumiti naman siya at ginulo ang aking buhok.

"Tama ka." Huminto kami ng makarating kami sa tapat ng bahay.

"Oo nga pala, ano ba ang iyong buong pangalan?" tanong ko.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon