Azura
Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng aming tahanan habang inaalala ang bawat salita ni Ina. Mag-isa na lang akong nabubuhay dahil sa biglaang pagkawala niya.
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaluha nang maalala ang nangyari. Sampung taon na ang lumipas, sariwa pa rin ang mga alaalang iyon. Kung paano ko nakitang pumasok si Ina sa aming tahanan na maraming sugat at duguan hanggang sa bigkasin nito ang salitang mahal niya ako at sana'y mag-ingat ako habang unti-unti itong naging abo sa harap ko. Masakit para sa 'kin ang muling mawalan ng magulang ngunit kailangan kong maging matatag at magpatuloy sa buhay.
Hanggang ngayon ay takot pa rin akong lumabas ng aming tahanan dahil alam kong napakaraming delikadong nilalang o kung ano man ang nasa labas. Ngunit paubos na ang nakaimbak na pagkain ni Ina. Hindi ko naman lubos na magamit ang aking kapangyarihan dahil isa pa lamang akong batang diwata.
Kaming mga diwata ay nagkakaroon ng sapat na kapangyarihan sa oras na tubuan kami ng bagwis. Nangyayari lamang ito pagsapit namin sa edad na bente anyos. Sa aking susunod na kaarawan ay magiging ganap na akong diwata.
"Azura, hindi habang buhay ay dito ka mamamalagi sa inyong tahanan," wika ng ibong dumapo sa aking bintana.
"Tama, kailangan mong harapin ang iyong takot at pangamba sa maaring mangyari sa 'yo. Dahil hindi magtatagal ay maaring may makakatagpo ng iyong yungib," sabi naman ng isang pang ibon.
Napaisip ako sa sinabi nila.
Ngunit paano kung sa unang araw pa lang ng aking paglalakbay ay manganib na ang buhay ko?
"Labing siyam na taon ka ng nakakulong sa inyong tahanan. Wala ng ligtas na lugar sa mundong ito kaya kailangan mong maging matapang," wika muli ng ibon.
Napabuntong hininga ako at tumayo.
"Tama kayo, harapin ko ang mapanganib na mundo."
DALA dala ang isang lalagyan na kung saan may lamang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ay naglalakad ako patungo sa pintuan na yari sa kahoy.
Kinakabahan ko itong binuksan at sumalubong sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin. Tumingin ako sa madamong lupa na aking tatapakan.
Kaya mo ito, Azura. Maging matapang kang diwata.
Nang tuluyan na akong nakatapak sa lupa ay pinakiramdaman ko ang paligid bago ngumiti ng pagkalaki laki. Agad akong tumakbo sa paligid sa saya. Sa wakas! Nakalabas na ako.
Salamat sa Diyosa Titania at ako'y binigyan ng tapang upang maumpisahan ang aking paglalakbay.
"Oh, hindi ba? Napakasaya sa labas. Maglakbay ka at humanap ng magiging kaibigan. Ngunit tandaan mo, hindi lahat ng nilalang na iyong makakasalamuha ay maari mong maging kaibigan." Nakangiti akong tumango sa ibon at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napakalawak ng kagubatan at napaka tahimik ng paligid. Tila walang panganib sa lugar na ito ngunit hindi ako maaring maging kampante.
Nakakatuwang isipin na nahahawakan ko na ang mga puno na dati ay pinagmamasdan ko lang mula sa malayo. Ang mga damo at halaman, maging ang mga bulaklak sa paligid.
"Hoy, sino ka at bakit ka nasa loob ng teriroryo namin?" Napatigil ako sa paglilibot ng paningin sa paligid at napatingin sa nilalang na nagsalita.
Isa ba siyang tao? Hindi, dilaw ang kulay ng kanyang mata kaya maaring isa siyang taong lobo.
"Isa ka bang taong lobo?" takang tanong ko sa lalaki.
Kumunot ang noo nito at tila naging alisto. Mukhang tama ako, nabasa ko ang tungkol sa kanila sa isang libro.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate.
WerewolfHis name is Vrexus Rendelev. He is an Alpha. Hot, dangerous and positively terrifying. And the unexpected happend, Azura Lecatus, a sweet, kind last fairy who mated to the Alpha. - [Plagiarism is a Crime] Start: 04|03|2020 End: 01|16|2021