Dalawampu't Apat

7.8K 306 10
                                    

Azura

"Tubig, hangin, apoy, at lupa." Tahimik kong pinaglalaruan sa aking kamay ang apat na elemento.

Nag-iisa na lamang ako sa silid dahil pinili ko munang mapag-isa para makapag-isip. Kahit panandalian lamang ay nakapiling ko muli ang aking mga magulang, muli kaming nakapag-usap tungkol sa mga bagay bagay at masayang nagtatawanan.

Hindi sana ako babalik kung hindi lang sa sinabi ni Ina.

"Nag-aalala na sa 'yo ang mga kaibigan mo, lalo na ang lalaking minamahal mo."

"Pero Ina, ayoko pong mawalay muli sa inyo."

"Hindi kami kailan man nawala, palagi kaming nandito sa puso mo."

Tama ang desisyon na bumalik ako. Nandito ang mga kaibigan ko at kailangan ko rin harapin ang laban na mangyayari.

Tumingin ako sa kamay ko at kinuyom ito. Nawawala ang singsing na suot ko, ibig sabihin ay may tiyansa na matukoy nila kung nasaan ako ngunit kaya ko ng protektahan ang sarili ko. Hindi ko na i-aasa ang sarili ko sa iba.

"Hey, it's time to eat." Napangiti ako ng makitang pumasok si Vrexus.

"Hmm, kahit papaano hindi na namumutla ang mukha mo," sabi ko.

Inilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesa at pinakatitigan ako.

"You made me worry, I can't even smell your scent so what do you expect?" taas kilay na tanong niya.

Natawa naman ako at hinila ang damit niya para lumapit siya sa 'kin. Pagkatapos ay inabot ko ang pisngi niya at pinisil ito.

"Maswerte ako dahil ako ang naging mate mo," sabi ko.

"No, I'm the lucky one because I have a strong, independent woman like you."

"Tama na 'yang landian, oh! Nandito na kami, Azura!" Mariing napapikit si Vrexus at padabog na umupo sa upuan.

Bigla na lang kasing pumasok si Miranda at Beazen.

"Tumahimik ka nga babae! Ang aga aga ang ingay ng bunganga mo!" Tumingin sa 'kin si Beazen. "Hi, Azura."

"Oh talaga ba, pangit?" Akmang lalapit sa 'kin si Miranda pero natigilan siya ng mapatingin kay Alpha. "Dito na lang pala ako."

"I'm jealous, mas malapit ka na sa Luna. I'm your mate, Miranda," sabi ni Neon na kapapasok lang kasunod si Ijaro.

"Siyempre love kita, pero mas love ko ang Luna natin," usal naman ni Miranda.

"Magandang umaga, Prinsesa. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ijaro.

"Oo, salamat," sagot ko.

Napuno tuloy ng ingay ang buong kwarto sa pagdating nila. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa masasayang mukha nila. Sila ang mga importanteng tao sa 'kin na ayaw kong mawala.

LUMIPAS ang mga araw ay bumalik sa normal ang lahat bukod kina Beazen at Miranda na halos hindi na humiwalay sa 'kin. Baka raw kasi mawala ako ulit.

"Lagi mo 'kong ginugulat, Luna." Ibinaba ko ang hawak kong espadang kahoy at tinulungan na tumayo si Neon.

"Hindi ko magagawa 'to kung wala ang tulong niyo," sabi ko.

"Lumakas ka dahil desidido kang magpalakas," wika niya at tinapik ang balikat ko.

Napangiti ako, "Maraming salamat."

Pagkatapos ko magsanay ay nagpalit ako ng damit bago kumain. Hindi ko nakita ngayong hapon si Vrexus. Ang sabi ni Neon ay may kailangan daw itong gawin pero hindi niya sinabi kung ano.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon