Labing-Anim

7.7K 326 4
                                    

Azura

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Dahan dahan akong bumangon at hindi ko maiwasang mapangiwi ng maramdamang nanakit ang buo kong katawan.

Lalo na ang aking ibaba.

Huh?

Napatingin ako sa aking katawan at natulala ng makitang wala akong saplot.

"Ahh!" sigaw ko ng makita si Vrexus na nakahiga sa aking tabi.

Anong nangyari?! Bakit nakahubad ako at katabi ko siya?!

"Hmm." Napalunok ako.

Alam ko may ginawa kami ni Vrexus at hindi 'yon panaginip. Hindi ako makapalag dahil gusto ng katawan ko ang ginagawa niya saakin. Ano ba ang ginawa namin?

Nanigas ako ng makita kong dahan dahang nagmulat ng mata si Vrexus at tumingin sa nanlalaki kong mga mata.

"Azura?" paos na tanong niya at bumaba ang tingin sa katawan kong may takip ng kumot.

"May ginawa tayo kagabi, Vrexus. Ano ba 'yon?" mahina kong tanong.

Agad naman siyang napabangon at napahawak ng ulo.

"F*ck, I lost my control." Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin.

"I'm sorry, nawala ako sa sarili ko. Ayos ka lang ba? Nasaktan ba kita?" Umiling ako bilang sagot.

"Masakit lang ang ibaba ko," sabi ko.

Bumaba ang tingin niya roon at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"D*mn it, I did it." Tumayo si Vrexus at hindi nakatakas sa paningin ko ang kanyang pagngiti.

Buti na lang at nakasuot siya ng saplot sa kanyang ibaba bago siya tumayo.

"Take a shower first, gagamitin ko na lang ang banyo sa kabilang kwarto," sabi niya.

Pinulupot ko ang kumot sa katawan ko at dahan dahang tumayo.

Bakit ba ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon?

"Tsk." Napatili ako ng buhatin ako ni Vrexus at ipinasok sa banyo.

"Sa-salamat," mahinang sabi ko.

"Welcome." Tumalikod na siya at lumabas ng banyo.

Tinanggal ko naman ang kumot na nakapulupot saakin ng mahagip ng aking mata ang pulang kulay sa kumot.

Naniningkit ko itong tiningnan at napasinghap ng malamang dugo ito.

Bakit may dugo sa kumot? Dahil ba sa pagkagat niya sa 'kin kagabi?

Nagkibit-balikat na lang ako bago inumpisahang linisin ang aking katawan.

Matapos maglinis ay inayos ko na ang sarili ko bago bumaba mula sa pangalawang palapag dahil hindi ko nakita si Vrexus.

"Magandang umaga, Miranda at Neon," sabi ko ng maabutan ko sila sa kusina.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon