Azura
"Maayos ka lang ba dito, Prinsesa Azura?" tanong ni Ijaro habang inililibot ang tingin sa paligid.
Tumango naman ako at umupo sa sofa. Hindi ko pa rin alam kung paano kami nakarating dito, kung paano niya nalaman kung nasaan ang tahanan ko.
"Maayos naman ako sa ngayon ngunit hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw," wika ko at humikab.
Inaantok ako, kulang kasi ang aking tulog lalo na noong nasa bilangguan pa lamang ako.
"Ijaro?" tawag ko sa kanyang nang makitang matigilan siya.
"May paparating." Nagsalubong ang aking kilay.
Ano ang paparating na tinutukoy niya?
Nagulat ako sa marahas na pagbukas ng pinto dahilan upang masira iyon. Hindi pala ano, kundi sino.
"How f*cking dare you," sabi ng isang baritonong boses.
Napalunok ako ng makitang si Alpha ang pumasok. Nasundan niya kami.
"Prinsesa, dito ka sa tabi ko." Hinila ako ni Ijaro patayo sa sofa at itinago ako sa kanyang likod.
Sandali, bakit ba sila nag-aaway?
"Stay away from her." Napasinghap ako ng makaramdam ng nakakatakot na presensya.
Ang mata ni Alpha ay naging itim at handa ng sumugod ano mang oras kaya napakapit ako sa damit ni Ijaro.
Nakakatakot siya.
"Why are you doing this? Who is Princess to you?" sabi ni Ijaro.
"She's . . . " Dumapo ang tingin sa 'kin ni Alpha at nagngitngit ang ngipin.
Mas lalo akong napatago sa likod ni Ijaro dahil parang sa 'kin siya galit. Nagtataas baba na rin ang kanyang dibdib.
"I bet you already know that fairies are indangered and I understand, you need to protect Princess but you don't need to worry. I can protect her," malumanay na sabi ni Ijaro, tila pinapakalma si Alpha.
Ngunit hindi iyon gumana.
"Stay . . . " Nanlaki ang aking mga mata ng makitang sumilip ang kanyang pangil. " . . . away from her!"
Umangil siya ng malakas at sa bilis ng pangyayari ay hindi ko napansin ang pagkilos ni Alpha at ang nakikita ko na lamang ngayon ay sakal sakal niya si Ijaro.
"Ta-tama na!" natataranta kong sigaw.
Nahihirapan na si Ijaro huminga sa higpit ng pagkakasakal ni Alpha sa kanyang leeg.
"We don't need you to protect her, she's mine!" sigaw ni Alpha.
Kumabog ang dibdib ko ng makitang nawawalan na ng malay si Ijaro kaya nanginginig kong itinapat ang aking kamay kay Alpha bago nagpalabas ng kapangyarihan.
Tumalsik si Alpha sa pader at agad naman akong nakonsensya pero mapapatay niya si Ijaro kapag hindi ko 'yon gagawin. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang aking uunahin pero sa huli ay si Ijaro ang una kong nilapitan.
Habol hininga itong nakahiga sa lapag.
"Pri-prinsesa," utal niyang sabi.
Nanubig naman ang aking mata ng makita ang kanyang kalagayan. Hinawakan ko ang kanyang leeg upang pagalingin ito.
"Ako ba ang dahilan kung bakit kayo nag-aaway?" umiiyak kong tanong.
Ngumiti si Ijaro. "Huwag kang umiyak, Prinsesa. Wala kang kasalanan," sabi niya at pinunasan ang mga luha ko sa 'king pisngi.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate.
WerewolfHis name is Vrexus Rendelev. He is an Alpha. Hot, dangerous and positively terrifying. And the unexpected happend, Azura Lecatus, a sweet, kind last fairy who mated to the Alpha. - [Plagiarism is a Crime] Start: 04|03|2020 End: 01|16|2021