Azura
"A-alpha?" nauutal kong tanong sa kanya.
Ang tagal na niya kasing nakatitig sa 'kin at parang gusto niya akong sunggaban.
"Alpha!" sigaw ko na naging dahilan para mapakurap siya ng ilang beses.
Napasinghal siya at napahilamos ng mukha.
"Tsk! Tabi!" Mahina niya akong hinawi at tiyaka dumiretso sa banyo dala ang kanyang tuwalya.
Nagtataka ko naman siyang sinundan ng tingin at ng makapasok sa banyo ay lumapit ako sa salamin upang pagmasdan ang aking sarili.
Dahil hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi kanina, hindi ko alam kung bagay ba sa 'kin ang suot ko o hindi.
Maayos naman ah.
Humiga na lang ako sa malaking kama at tumitig sa kisame. Sino nga ba ang mag-aakala na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon? Ano kaya ang dahilan ni Alpha at gusto niya akong kunin?
Hindi kaya ipapapatay niya na ako? Hindi ako papayag.
"Huwag kang matulog." Nabaling ang tingin ko kay Alpha na ngayon ay kakalabas lang ng banyo.
Basa pa ang kanyang buhok at nakatapis lang ng tuwalya ang kanyang pang-ibaba.
"Bakit ka ba nakatingin?" naiinis niyang tanong. "F*ck the law, who make that st*pid law anyway?"
Itikom ko na lamang ang aking bibig kahit gusto kong itanong kung ano ang kanyang sinabi. Sa susunod na magkita kami ni Ijaro o 'di kaya ni Neon, magpapaturo ako ng wikang ginagamit nila.
Nakaramdam ako ng antok dahil sa katahimikan at lamig sa loob ng silid na ito. Dahan dahang bumagsak ang aking talukap sa mata habang nakatingin kay Alpha na nagbibihis.
"Sabing huwag kang . . . " Hindi ko narinig ang kanyang sinabi dahil tuluyan ng nagdilim ang paligid.
HUNI ng mga ibon gumising saakin kaya naidilat ko ang aking mga mata. Agad kong napansin ang lalaking katabi ko, nakapatong ang kanyang binti sa akin, yakap yakap niya ang aking bewang, at nakasubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.
Hindi ko maiwasan ang mapalunok at mailang sa aming pwesto, isa pa, ang bigat niya.
"A-alpha," mahinang tawag ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot.
"Alpha, ba-bangon ka muna," sabi ko na may kasamang pag-alog sa kanyang braso.
Umungol naman ito at mas inilapit pa ako palapit sa kanya kaya napangiwi ako. Paano ako makakaalis dito? Baka magalit siya sa 'kin kapag naistorbo ko ang kanyang tulog.
"Hmm, smells good." Nahagit ko ang hininga ko ng amuyin niya ang leeg ko.
"A-alpha!" napipilitan kong sigaw dahilan para maimulat nito ang kanyang mga mata.
Mabilis na kumunot ang kanyang noo at humiwalay sa 'kin.
"Sinong may sabing dumikit ka sa 'kin?" Alinlangan akong ngumiti.
Siya naman kasi ang parang ahas na nakakapit sa 'kin pero hindi ko na lang sasabihin, baka magalit pa siya.
"Pa-pasensya na," mahinang sabi ko. "Hindi kasi ako makaalis kasi nakadagan ka sa 'kin."
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate.
WerewolfHis name is Vrexus Rendelev. He is an Alpha. Hot, dangerous and positively terrifying. And the unexpected happend, Azura Lecatus, a sweet, kind last fairy who mated to the Alpha. - [Plagiarism is a Crime] Start: 04|03|2020 End: 01|16|2021