Labing-dalawa

7.1K 284 6
                                    

Azura

Tahimik akong nakaupo sa damuhan dito sa hardin ng Ina ni Vrexus at pinapanood ang mga paru-paro na malayang lumilipad.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng makilala ko ang mga Elders. Si Ijaro naman ay madalas na bumibisita saakin para tingnan ang aking kalagayan at nitong mga nagdaang araw ay madalang ko na lang nakikita sila Miranda at Neon pero ang sabi sa 'kin ni Vrexus ay may mahalaga silang ginagawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

Doon ko nakita si Vrexus na naglalakad papalapit saakin. Napakatikas ng kanyang tindig at ang kanyang awra ay napakalakas. Siguro ay isa 'yon sa mga dahilan kung bakit siya ay siya naging pinuno sa lugar na ito.

"Wala, wala kasi akong magawa sa loob kaya't naisipan kong pumarito," sagot ko sa kanyang tanong at nginitian siya.

Tumabi naman siya saakin.

"Gusto mong mag-sanay?" Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya.

Seryoso ba siya sa kanyang sinabi? Magsasanay kami? Buti ay pinaalala niya dahil masyado akong naging komportable at nakalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon.

"Ngayon ba? Magpapalit ba ako ng aking kasuotan?" tanong ko.

"Nasa loob si Miranda, dadalhin ka niya sa kwarto. Hihintayin kita sa labas," sabi niya at naglakad na palayo.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti at kalaunan ay umalis na rin ng hardin. Doon ko naabutan ang naghihintay na si Miranda.

"Miranda!" sigaw ko sa kanya.

Kumaway naman si Miranda sa 'kin at nilapitan ako.  Ang tagal naming hindi nagkita.

"Ready ka na?" nakangiting tanong ni Miranda.

Tumango ako kaya tumungo kami sa isang silid.

Namangha ako sa dami ng nakita kong damit at gamit sa loob. Ang gaganda rin ng mga disenyo at karamihan ay kayumanggi ang kulay.

"Hmm, ito na lang." Iniabot niya sa 'kin ang damit. "Magpalit ka na."

Lumingon lingon ako sa paligid.

"Dito?" tanong ko.

Tumango siya.

"Di-dito mismo sa kinakatayuan ko?" Nakangiting tumango muli siya.

"Wala namang mali kung sa harap kita magbibihis, ah, pareho naman tayong babae," sabi niya.

Namula naman ang mukha ko.

"Pe-pero kasi . . ."

"Joke lang, tatalikod na lang ako para makapagbihis ka," natatawang sabi niya at tumalikod na.

Nakahinga naman ako ng maluwag at nag-umpisa ng maghubad para makapagpalit na ako ng damit. Binilisan ko rin ang aking kilos para makalabas na agad kami.

"Tapos na ako," sabi ko.

Humarap naman sa 'kin si Miranda at napaawang ang labi.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon