Labing-Lima

7.7K 332 0
                                    

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Ijaro matapos kong makapagbihis.

Lumingon saakin si Ijaro at napabuntonghininga.

"Nakakatakot talaga sila," sabi niya at niyakap ang kanyang sarili.

Napatawa naman ako sa kanyang inakto.

"May sinabi saakin ang Reyna," mahinang sabi ko at napatingin sa aking kamay.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa kapangyarihan ng tubig." Nag-angat ako ng tingin.
"Ibinigay niya saakin."

Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Kung gan'on ay matutulungan kita sa para maayos mong magamit ang kapangyarihan na ibinigay sa 'yo," sabi niya.

Tumango ako at ngumiti.

"Aasahan ko 'yan," wika ko.

Naglakad kami paalis ng ilog at inililibot ko pa rin ang paningin sa paligid.

Sa susunod gusto ko ulit makapunta rito. Kapag tapos na gulo at may makikita akong kalahi ko.

"Prinsesa, tingnan mo." Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Ijaro.

Nakita ko ang isang malaking puno na sa tingin ko ay naging tahanan ng kung sino.

"Pwede ba tayong pumunta roon kahit saglit?" tanong ko.

"Iyan ang tahanan ng Hari at Reyna," sabi niya habang naglalakad kami palapit sa puno.

"Sila Ina at Ama?" tanong ko.

Huminto kami sa tapat ng puno at hinawakan ito.

"Oo, nakita ko sila rito noong bata pa lamang ako," sabi niya.

Mapait akong napangiti at naalala ang nawawala kong porselas.

"Ang porselas ko, Ijaro," nag-aalalang sabi ko.

"Bakit?"

"Mukhang naiwan ko sa mansyon ni Vrexus," usal ko habang inaalala kung saan ko nga ba 'yon nailagay.

Mukhang hindi ko naiwala 'yon, nakalimutan ko lang na isuot.

"Umuwi na tayo, palubog na rin naman ang araw," sabi niya.

Tumango ako at lumapit sa kanya. Sa susunod ko na lang siguro papasukin ang punong 'yon. Pinulupot ni Ijaro ang kamay niya sa bewang ko.

"Handa na akong mahilo," usal ko na siyang ikinatawa niya.

Mariin kong ipinikit ang mata ko kasabay ng pagkaramdam ko ng hilo. Dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata at nakitang nasa tapat kami ng aking tahanan.

"Nagkamali ako ng lugar." Napatingin ako kay Ijaro na nagkakamot ng ulo.

"Ayos lang, pwede naman akong maglakad pauwi sa bahay ni Vrexus," nakangiting sabi ko.

"Ihahatid na kita, gabi na at delikado."

"Kung gan'on pwede mo bang sabihin kung paano ko magagamit ang kapangyarihan ng tubig habang tayo'y naglalakad?" tanong ko.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon