Labing-Apat

7.9K 301 1
                                    

Azura

Tahimik akong nakaupo sa labas habang pinagmamasdan ang tanawin. Wala kasi akong magawa ngayon dahil wala sila Vrexus, may pinuntahan siya at hindi ko alam kung saan 'yon.

Mabilis na dumaan ang araw at sa mga araw na 'yon ay masasabi kong marami na akong natutunan sa pakikipaglaban.

Salamat kay Vrexus at Neon na tinulungan ako na magsanay.

"Prinsesa," sabi ng isang pamilyar na boses.

Agad ko itong nilingon at napangiti ng makita si Ijaro. Ilang araw na rin simula ng huli kaming nagkita.

"Ijaro, kumusta ka na." Tumayo ako at niyakap siya.

"Ayos lang ako, ikaw ba?" tanong niya.

"Ayos lang din ako, pasensya na at hindi ako nakakabisita," nahihiyang sabi ko.

"Naiintindihan ko. Alam kong nagsasanay ka kaya hindi rin muna ako bumisita," wika niya.

"Salamat. Libre ako ngayon, maari ba tayong maglibot?" Napangiti naman siya sa sinabi ko at inilahad ang kamay niya.

"May alam ako." Tinanggap ko ang kamay niya at napasinghap ng hilain niya ako.

"I-ijaro?"

"Makakaramdam ka ng kaunting hilo, malayo layo ang pupuntahan natin," sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap saakin.

Napapikit ako at tama nga ang sinabi niya, nakaramdam ako bigla ng pagkahilo.

"Nandito na tayo," rinig kong sabi niya.

Unti-unti kong imulat ang mga mata ko at namangha sa nakita.

Ang ganda.

Ang daming bulaklak sa paligid, mga nagliliparang mga paru-paro at mga bahay. May nakatira ba sa bayang ito? Sobrang sagana ng kanilang lugar.

"Hindi ba sabi ko sa 'yo, isa 'tong paraiso," sabi ni Ijaro.

Natigilan naman ako sa kanyang sinabi at gulat na tumingin sa kanya.

"Dito nakatira ang mga kalahi ko?" Nakangiting tumango si Ijaro.

"Walang diwata rito ngayon dahil sa nangyari," mahinang sabi niya.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha at sunggaban siya ng yakap.

"Salamat sa pagdala saakin dito, hindi ko man sila nakita pero masaya ako na nakatapak ako rito," umiiyak na sabi ko.

Ginantihan naman niya ako ng yakap.

Ilang minuto kaming nagtagal sa gan'ong posisyon at ako na nag mismong bumitaw. Pinunasan ko ang pisngi ko at ngumiti. Hindi pwedeng maging malungkot ako ngayon.

"Gusto kong libutin ang lugar," sabi ko.

"May alam akong magandang talon dito."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila kung saan hanggang sa makarinig ako ng agos ng tubig.

"Ang ganda . . . " Natulala ako sa ganda ng talon.

Sobrang linaw ng tubig, gusto kong magtampisaw.

"Maligo tayo, Ijaro!" sigaw ko.

Nanlaki naman ang kanyang mata at namula.

"Hi-hindi maari, kung gusto mo ikaw na lang. Hahanap lang ako ng makakain." Mabilis itong tumalikod at umalis.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon