Hinihingal akong nakatingin sa kanya na may gasgas sa mukha, hindi pa sapat ang aking kakayahan upang mapatumba ko siya.
Masyadong maliksi ang kanyang galaw at alam kong kahit papaano ay natatamaan ko na siya ngunit hindi pa rin siya gumaganti ng atake.
"P-paano ako masasanay kung hindi ka aatake?" Pinunasan ko ang tumulong pawis saaking pisngi
"Umatake ka lang," aniya habang hindi parin ibinababa ang depensa sa sarili.
"Gusto kong atakihin mo rin ako. Hindi naman puro iwas ang gagawin ng aking mga kalaban, hindi ba?" wika ko na siyang ikinatitig niya ng mariin saakin.
"Kaya naman kitang protektahan."
"Hindi naman sa lahat ng oras ay nasa tabi kita." Napahinto siya sa aking sinabi bago mariing pumikit at bumuntong hininga.
"Sige." Napangiti ako sa kanyang tinuran at hinanda na ang aking sarili.
Tila kapwa parehas naming pinapakiramdaman ang isa hanggang si Vrexus na ang unang umatake. Agad ko iyong sinalag ngunit bahagyang napa-atras dahil sa lakas ng kanyang pagpalo. Maging ang hawak kong arnis ay yumanig dahilan para magbigay iyon ng sakit saaking kamay ngunit hindi ko ininda.
Siniko ko siya sa kanyang sikmura ngunit agad niya iyong nasalag ng kanyang kamay at pinilipit ang aking braso.
"Gawin mo ang lahat ng paraan para makawala ka," aniya kaya agad akong nag-isip ng paraan.
Napagdesisyonan kong apakan ang kanyang paa at nagtagumpay naman ako dahil napaatras siya. Seryoso ko siyang tinignan at agad sumugod. Dinepensahan naman niya ang kanyang sarili kasabay ng hindi ko inaasahang pagpalo niya saaking binti kaya napaluhod ako.
"Fuck, I'm sorry!" rinig kong sigaw niya. Dali-dali akong tumayo at muli siyang inatake. "Magpahinga muna tayo—"
"Hindi!" pursigido kong saigaw at pinuntirya ang kanyang kanang kamay kung saan doon niya hawak ang kanyang armas ngunit masyadong mabilis ang kanyang kilos.
Pinigilan ko ang mapasigaw ng muling tumama ang kanyang arnis saaking katawan.
"I'm serious, let's stop this," madiing sabi niya.
Umiling ako.
"Isa pa!" Nakita ko ang pagpikit niya na tila naiinis na saakin.
Ngunit hindi niya ako masisisi dahil gusto kong matuto sa pakikipaglaban.
Muli ko siyang inatake ngunit nagulat ng na lang ako ng bigla niyang bitiwan ang kanyang arnis at hinila ang aking nakataas na kamay dahilan para maglapit ang aming katawan. Mabilis niyang ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang kasabay ng pagdampi ng kanyang kanyang labi saakin.
"Tama na," mahinang sabi niya ng siya'y humiwalay ng halik.
Hindi ko mapigilan ang maikurap ang aking mata.
Tila nawala ang pag-iisip ko sa mundo. Hinalikan ako ni Vrexus? Ulit? Kumakabog ang aking dibdib, tila ang saya ng aking pakiramdam. May kung ano ring gumagalaw sa aking tiyan. Ano itong aking nararamdaman?
"Hey." Muli akong napakurap ng kanyang pitikin ang aking noo.
"A-ano. Oo, bukas na lang ulit." Natataranta kong binitiwan ang hawak kong arnis at dali-daling pumasok sa kanyang tahanan.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate.
WerewolfHis name is Vrexus Rendelev. He is an Alpha. Hot, dangerous and positively terrifying. And the unexpected happend, Azura Lecatus, a sweet, kind last fairy who mated to the Alpha. - [Plagiarism is a Crime] Start: 04|03|2020 End: 01|16|2021