Labing-Siyam

6.4K 286 15
                                    

Sa pagdaan ng mga araw, nanatili ang atensyon ko sa pagsasanay at paggabay sa desisyon na ginagawa ni Vrexus para sa kanyang nasasakupan at sa bawat araw na lumipipas ay mas napapalapit ako sa mga kaibigan ko.

"Hindi ka pa ba pagod?" tanong ni Ijaro.

Nagpunas ako ng aking pawis sa pisngi at umiling.

Kasalukuyan akong nagsasanay sa paggamit ng kapangyarihan na ibinigay saakin. Mahirap at hindi madali ang ma-kontrol ito pero paunti-unti, nasasanay naman ako.

"Why is he glaring at me?" Napatingin ako kay Ijaro na bahagyang nakangisi.

"Huh?" Nginuso niya naman ang likod ko at doon ko nakita si Vrexus.

Masama ang tingin ito sa direksyon namin.

Natawa na lang ako at napailing. Hindi ko talaga alam kung bakit tuwing magsasanay kami ni Ijaro ay sumasama siya at hihintayin kami matapos.

"Magpahinga muna kaya tayo, Prinsesa. Kanina ka pa nagsasanay," sabi ni Ijaro.

Napatingin ako sa kamay ko. Bahagya na rin itong namamanhid. Siguro mabuting huwag kong pwersahin ang sarili ko, may ibang araw pa.

"Sige, nagugutom na rin ako." Ngumiti siya sa 'kin at ginulo ang buhok ko.

"Magaling ang ginawa mo ngayon," sabi niya.

"Salamat."

Tumungo kami kung nasaan sila Vrexus. Hindi kasi kalayuan kung nasaan si Vrexus ay nakaupo r'on sila Miranda at Beazen na nagku-kwentuhan. Ngayon lang din sila pumunta rito para mapanood ako sa aking pagsasanay, ewan ko na lang kay Beazen.

"Balak ka talaga niyang kunin sa 'kin," sabi ni Vrexus ng makalapit ako sa kanya.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi naman 'yon mangyayari." Hindi siya sumagot at umirap lang bago umiwas ng tingin.

"Tsk."

"Azura, kumusta pagsasanay?" Napatingin ako sa nagtanong.

"Ayos lang. Anong nangyari kay Beazen?" Nakayuko kasi siya habang akbay akbay siya ni Miranda.

Sinubukan kong silipin ang mukha niya pero mas lalo lamang siyang napayuko.

"May masakit ba sa 'yo?" tanong ko pero hindi siya nagsalita.

Humalakhak si Miranda at nginuso ang gilid ko kaya lumingon ako r'on.

"Ijaro," gulat na sabi ko.

Akala ko kasi inaayos niya pa rin ang mga gamit na ginamit namin sa pagsasanay.

"Your friend looks very shy," sabi ni Ijaro habang nakangiti.

Humalakhak naman si Miranda at bahagyang lumayo kay Beazen sabay tapik sa likod nito.

"Nako, ang gwapo mo naman. Bagay kayo ng kaibigan ko," sabi ni Miranda.

Nakatanggap naman siya ng pagsiko kay Beazen.

Tsaka ko lang naalala na si Ijaro nga pala ang mate ni Beazen kaya nanlaki ang mata ko.

"Kausapin mo si Ijaro, Beazen. Mabait siya at siguradong hindi ka niya itatanggi," sabik na sabi ko.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon