Dalawampu't Dalawa

6.2K 273 5
                                    

Miranda

"Girl, where is she na ba?" tanong ko habang hinahanap sa loob ng mansyon si Azura.

Bumalik kami kasi kailangan naming samahan si Azura hanggang sa makabalik si Alpha. He told me about Ferru roaming around the pack border so we need to look after her.

We need to protect our Luna, of course!

"Baka nagbanyo lang. Let's wait in the garden, 'yun ang favorite place niya, for sure doon siya pupunta," sabi ni Beazen.

Sumangayon naman ako at naglakad na papunta sa garden. I did not expect that Beazen and I we're gonna be friends. She was very very annoying kaya, ngayon konti na lang.

"Look, familiar ba 'tong bracelet sa 'yo?" Nilingon ko si Beazen.

May hawak siyang bracelet na parang gawa sa sanga ng kahoy at mayroon kaunting halaman na nandoon. Hmm, saan ko nga ba 'yan nakita?

"Yes, it's familiar. Saan mo napulot?" Nginuso niya ang damuhan.

Kinuha ko sa kanya ang bracelet at sinuri itong mabuti. Wow, it's beautiful. Naaalala ko rito si Azura.

"Oh, naalala ko na. It's Azura's bracelet." Sabay kaming natigilan sa sinabi ko at nagkatinginan.

"Si Azura!" sabay naming sigaw.

Mabilis naming hinanap si Azura sa buong mansyon pero wala siya sa loob. Nagtanong na rin kami sa mga kasambahay kung nakita ba nila si Azura pero ang sabi ng isang nakakita sa kanya ay pumunta raw ito sa hardin pagkatapos umalis ni Alpha.

Ibig sabihin kanina pa siya nasa hardin.

"Baka pumunta siya sa gubat. Mayayari tayo kay Alpha nito," tarantang sabi ni Beazen.

Sabay kaming nag-shift at tumakbo patungo sa kagubatan. Naamoy ko siya pero napakahina at pawala ng pawala.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para maabutan ko ang amoy pero sumabit ang isa kong paa ko sa sanga kaya napasubsob ako sa lupa.

Napaungol ako sa inis at sakit. Wala na ang amoy ni Azura!

"Miranda, are you okay?" Tumingin ako kay Beazen na nagkatawang tao na.

"Si Azura," naiiyak kong sabi.

Baka nakuha na siya ng mga Ferru. She's my friend so I don't want anything bad happen to her.

Bumalik ako sa pagiging tao at napatingin sa sugat ko sa binti.

"We need to call Alpha," sabi ni Beazen.

Hindi ako umimik at napatingin lang malaking sugat ko. Sanay naman akong masugatan pero bakit ngayon sobra ang sakit?

"Hanapin natin si Azura, kailangan niya akong pagalingin," umiiyak na sabi ko.

"You get up, Miranda. Walang mangyayaring masama sa kanya," usal niya.

"Paano kung nakuha na nga talaga siya ng mga Ferru?! Paano kung napahamak siya?! Baka natatakot na 'yon ngayon at umiiyak!"

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon