Dalawampu't Isa.

7.4K 295 13
                                    

Azura


Kunot noong nililinis ni Vrexus ang mga natamo kong sugat ng matapos kong magbihis at paminsan minsan ay naririnig ko ang pagsasabi niya ng masasamang salita.

"How dare them to hurt you," madiing sabi niya.

"Nagsanay kami," usal ko na ikinasama ng tingin niya sa 'kin.

"This is too much." Napangiti na lang ako at sinapo ang kanyang mukha.

"Kumusta ang trabaho?" tanong ko upang ibahin ang usapan.

Napatitig siya sa 'kin at bumuntonghininga.

"It's doing good," sabi niya at inilagay ang huling benda sa braso ko. "Sorry for not having time with you."

"Naiintindihan ko, trabaho mo iyon at trabaho ko na intindihin ka. Basta kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako," sabi ko.

"I'm so lucky to have you," wika niya at hinalikan ang noo ko. "Anong gusto mong kainin?"

"Kahit ano, basta luto mo."

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Si Vrexus ay natutulog pa marahil masyado siyang napagod sa trabaho niya kaya hindi ko na siya ginising pa.

Sinubukan kong pagalingin ang mga pasa at sugat ko pero ayaw gumana. Mukhang naubos ko ang lakas ko dahil sa ginawa naming pagsasanay kahapon.

Nilinis ko ang mga sugat ko at nagpalit ng benda bago bumaba sa sala. Doon ko naabutan sila Neon, Ijaro, Miranda at Beazen.

"Good morning—" Natigil sa pagsasalita si Beazen at nakaawang ang labing napatitig sa 'kin.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Neon.

Napakamot ako ng batok at sinulyapan ng tingin sila Ijaro na tumingin tingin lang sa paligid.

"Alam ba ni Alpha 'yan?" tanong ulit ni Neon.

Tumango ako.

"You two did that, right?" Tinuro ni Beazen ang sila Ijaro at Miranda.

Mabilis naman nagsilata ang dalawa at tumanggi. Halos hindi na maintindihan ang mga sinasabi nila sa bilis at pagsasabay ng pagsasalita na ginagawa nila.

"Hep! Shut up!" sigaw ni Beazen.

Tumahimik naman ang dalawa.

"Kinawawa niyo ang Luna," sabi niya at nilapitan ako.

Inalalayan niya ako paupo sa sofa.

"Salamat," sabi ko.

"Bakit hindi niyo sinobrahan?! Look, she still look beautiful!" Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Gaga, natural 'yan. Sa 'yo kasi peke," sabi ni Miranda.

"Mahal, maganda ako 'di ba?" Natawa ako ng biglang lumambing ang boses ni Beazen at kumurap kurap sa harap ni Ijaro.

"Oo naman," sagot niya at pinisil pa ang pisngi ni Beazen.

Napanguso naman si Miranda at napairap.

"You're beautiful too," sabi ni Neon kaya napangiti si Miranda.

"Sweet naman ng bibi ko lab lab na 'yan."

"Why did you so woke up so early? Let's cuddle." Sabay sabay kaming napatingin sa lalaking kadarating lang.

Mapungay pa ang mga mata nito at halatang inaantok pa.

"What the, did you heard that?" mahinang tanong ni Neon kay Ijaro.

Mabilis naman itong tumango.

"Baby—" Natigilan si Vrexus ng makitang may kasama ako at mabilis na nawalan ng emosyon ang mukha niya.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon