Epilouge

9.9K 260 46
                                    


Finally! Natanggap ako sa pinapangarap kong skwelahan na akala ko ay hindi ako matatanggap.

Nakangiti akong tumingin sa labas ng gate, ang ganda talaga!

Crescent University

Marami ang nagsasabi na maganda raw ang pamamalakad ng mga tao rito. Magagaling ang mga teacher at hindi ka raw hinahayaan na palaging ma-stress sa mga gawain. Ang galing 'di ba?

Pumasok na ako at naglakad patungo sa room ko. Ang dami kong nakikitang studyante rito at grabe, parang wala kang matatawag na pangit sa kanila.

Naligaw ba ako rito? Kidding!

"Ah!" Nabitiwan ko ang libro ko ng may makabungguan akong tao.

Ano ba 'yan, masyado akong naaliw sa pagtingin sa paligid.

"Tsk, watch your way." Kumabog ang dibdib ko at mabilis na napatingin sa lalaki.

He looks familiar.

"Sorry!" sigaw ko at yumuko.

"You don't need to shout," masungit na sabi nito at nilagpasan ako.

Napanguso naman ako at nag-angat ng tingin. Tumingin sa likod niya at nilabas pa ang dila ko para asarin siya.

"Ye dent ned te shewt," pangagaya ko sa sinabi niya.

Hmp, ang sungit. Sana hindi niya kaugali lahat ng estudyante rito.

Pagpasok ko sa room ay wala pang masyadong tao sa loob. Siguro dahil maaga pa. Siyempre, first day of school need natin maagang pumasok.

Umupo ako mula sa dulo na malapit sa bintana. Sumilip ako sa labas at napangiti ng puro puno ang nakikita ko.

Isa pang maganda sa skwelahan na ito ay malayo sa ingay at sariwa ang hangin. Hay, ang sarap sa pakiramdam kapag kasama mo ang kalikasan.

"No! Stop! Ah!"

"Pumasok ka na kasi!"

"Ayoko nga sabi!"

Napatingin ako sa dalawang babae na mukhang nag-aaway. Pilit kasing hinihila ng babaeng maiksi ang buhok papasok ang babaeng may mahabang buhok.

"Bea, ano ba!" Nakasimangot na umayos ng tayo ang babaeng may mahabang buhok.

"Tsk, matanda ka na tapos bata ka pa rin umasta."

"Anong—" Nahinto sa pagsasalita ang babaeng may mahabang buhok at napatingin sa 'kin.

Mabilis naman na nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin. Hala, baka sabihin niya na masyado akong chismosa.

"Girl, what's your name?" Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa harap ko ang babaeng tinitingnan ko lang kanina.

Mariin akong napapikit. Sana naman huwag niya akong awayin.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at sumalubong sa 'kin ang mukha ng babae. Tila kumikislap ang mga mata niya habang nakangiti sa 'kin.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon