Prolouge

26.3K 523 17
                                    

THE ALPHA'S MATE
written by: Messy_Pixie

This is a work of fiction.
Names, characters, events, business, organizations, places, and incidents are product by the author's imagination or are used fictitiously.

Any resemblance to actual person, living or death, events or locales are entirely coincidental.

No part of this story maybe reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME

ALL RIGHTS RESERVED 2020

DISCLAIMER: Some contents are not suitable for the young readers below 15. Read at your own risk.

#SLOWUPDATE
[UNEDITED]

---

"Ina, maari ba akong lumabas nang ating tahanan? Nais ko lamang makita ang luntiang paligid," nakangiting pagpapaalam ko sa aking Ina.

Alam kong hindi siya papayag pero umaasa pa rin ako na sasang-ayon siya sa huli.

"Hindi pwede, Anak. Hangga't maari ay mas nanaisin kong dumito ka lang upang hindi ka mapahamak." Hinaplos ni Ina ang ulo ko at binigyan ng isang mumunting halik ang aking noo.

"Ganoon po ba." Nakaramdam ako ng lungkot ngunit masaya rin.

Natutuwa ako dahil sa pag-aalala ni Ina sa aking kaligtasan ngunit nakakalungkot rin sapagka't hindi man lang ako makalabas sa aming tahanan.

Hindi ko rin masisisi ang Ina dahil para rin naman ito saakin. Mula sa aking pagsilang ay hindi ko pa naranasan ang makatapak sa labas ng aming tahanan. Tanging tanaw lang ang aking nagagawa.

"Alam mo naman na kaunti na lang tayong mga diwata," malungkot na wika niya at muling hinaplos ang aking ulo.

"Nanganganib ang ating lahi dahil sa mga masasamang nilalang na nais tayong patayin. Mahihina tayo sa kanilang paningin dahil tayo ay mga tagabantay lamang ng kagubatan." Napatango ako sa sinabi niya.

Marahil iyon ang dahilan kung bakit kami nasa tagong lugar na kung sino man ay walang makakakita.

"Pero tayo ay tunay na malalakas." Nagtataka akong napatingin sa kanya.

Nakatingin ito ng deretso kaya sinundan ko ang kanyang tingin.

Nakatingin siya sa aming litrato kasama si Ama.

"Ano ang ating kalakasan, Ina?" nagtatakang tanong ko.

"Ang kalakasan ay nagmumula sa ating puso. Ang pagmamahal ay isang napaka lakas na kapangyarihan," wika niya kaya hindi ko mapigilan ang mapakunot ang aking noo.

Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi.

"Maiintindihan mo rin kapag malaki ka na," natatawang sabi niya at marahang sinuklay ang aking buhok.

"Nangungulila na ako kay Ama, Ina," malungkot kong sabi at niyakap siya.

"Maging ako, Azura." Napangiti ako ng yakapin niya ako pabalik.

Si Ama ay namatay nang sinubukan naming tumakas sa masasamang nilalang. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa amin.

"Ang pagmamahal ay ginto.
Damhin ng buo,
lagi lang itong nasa paligid mo.
Ito ang magbibigay lakas sayo," malamyos na awit niya habang sinusuklay ang aking buhok.

Napangiti na lang ako at hinayaan ang sarili na makatulog sa bisig niya ngunit hindi ko alam na iyon na pala ang huling awit na maririnig ko sa kanya.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon