Apat

10.1K 392 32
                                    

Azura

Hindi ko mapigilan ang mamangha sa mga nakikita ko habang naglilibot sa paligid.

Mga nagtatawanang taong lobo na nanonood ng isang palabas. Mga paninda, mamimili at mga batang nagsisitakbuhan sa paligid. Malinis at luntian ang kapaligiran. Halatang inalagaan ang kanilang kagubatan na nasasakupan.

"Ate, ang ganda n'yo po. Pwede po ba kayong kuhaan ng litrato?" nakangiting lumapit sa 'kin ang isang bata at may hawak itong isang parihaba na bagay.

"Litrato?" nagtatakang tanong ko.

Ang alam ko lang para makakuha ka nang litrato ay ipi-pinta mo pa ito.

"Sige na po, sandali lang!" pamimilit nito.

Ngumiti na lang ako ng pilit bago tumango dahil hindi ko maintindihan kung paano n'ya ako kukunan ng litrato.

Napahiyaw naman sa tuwa ang batang kaharap ko at bahagyang lumayo sa 'kin.

"Diyan ka lang po, tingin ka po sa camera." Napakurap ako.

Kamera? Marahil tinutukoy n'ya ang paribaha na iyon.

"Ngiti ka po!" Ngumiti ako pagkatapos ay nakarinig ako ng mahinang tunog.

Saan galing iyon? "Wow, ang ganda mo po, tingnan mo ate!" Inilapit saakin ng bata ang bilog na may parihaba.

Nandoon nga ako, nakakamangha. Para siyang ipininta ngunit mas mabilis! Kuhang kuha ang bawat detalye sa aking katawan at kapaligiran.

"Sige po, aalis na po ako, salamat po dito," paalam ng batang lalaki na kinawayan ko lang.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Tinuruan ako ni Ina sa ibang bagay na wala sa aming tahanan, maging ang pagsulat at pagbasa ay itinuro niya rin sa 'kin ngunit hindi niya naituro ang kakaibang wika na binabanggit ni Neon at ni Alpha. Siguro sa paglipas nang panahon ng aking pananatili sa kanilang lugar ay mas lalo pang lalawak ang kaalaman ko tungkol sa kabihasnang ito. Hindi na ako magiging ignorante sa mga kagamitang nakapaligid sa 'kin.

Huminto ako sa isang palaruan at umupo sa duyan. Napangiti ako. Tandang tanda ko pa ng ipakita sa 'kin ni Ina ang litrato ng lugar na ito. Gustong gusto ko itong puntahan pero dahil hindi ako maaring lumabas ay hindi ako makapunta. Sa buong kabataan ko ay nasa bahay lang ako, nagbabasa ng libro upang may libangan. O kaya magsusulat ako sa tabi, aawit at magpi-pinta.

Magaling magpinta si Ina kaya nagkaroon naging interesado na rin ako bagay na iyon.

"Hindi dapat nag-iisa ang binibining katulad mo." Napalingon ako sa nagsalita.

Isang matangkad na lalaki na payat ngunit bumagay ito sa kanya. Parang babae ang kanyang katawan, hindi pa rin maipagkakaila ang kanyang kagisigan. Mayroon siyang pares na itim na mga mata at ang kanyang kasuotan ay tila kakaiba na purong puti ngunit sa kanyang pang-itaas ay itim na pinatungan ng isang puting panlamig.

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita. "Wala akong kasama o kakilala man lang bukod sa lalaking nagngangalang Neon, kaya wala akong kasama ngayon."

Tumitig siya saakin ng ilang segundo bago umupo sa katabi kong duyan.

"Hindi ba dapat ay hindi ka nakikipag usap sa isang estranghero?" tanong niya kaya bahagya akong napatawa.

"Alam ko, ngunit parang pangbabastos ang aking ginawa kapag hindi kita kakausapin," wika ko at iniwas ang tingin sa kanya. "Ikaw? Bakit ka nandirito?"

"May binabantayan akong isang nilalang. Isang nilalang na hindi na dapat pang mawala," dugtong niya pa.

Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko. Nagulat nalang ako bahagya siyang yumuko na tila nagbibigay nang galang.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon