Labing-Walo

2.3K 52 3
                                    

Naakatitig lang ako sa aking repleksyon habang suot suot ang isang magandang bestida. May mga palamuting inilagay saakin at nilagyan din ako ng kolorete sa mukha nila Miranda at Beazen.

"Oh, pak! Ganda mo girl!" Tumingin ako kay Miranda.

"Salamat," sabi ko at lumakad patungo sa kama para maupo.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Beazen.

"Nagaalala lang ako. Paano kung hindi ko magampanan ang pagiging Luna?" Napabuntonghininga ako.

"Don't be, Azura. Nandito naman kami para gabayan ka," sabi ni Miranda.

"Oh, magiging Luna ka means magiging asawa ka na rin ni Vrexus," wika ni Beazen.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Magiging mag-asawa kami?!

"Hindi nga?!"

"Oo nga!" sabay na sigaw nila.

Namula ang mukha ko.

"Pero masyado pa akong bata," sabi ko.

Natawa naman si Miranda.

"Twenty-nine lang si Vrexus kaya huwag kang mag-alala," usal niya at tinapik ang balikat ko.

"Ngunit labing-siyam na taong gulang pa lang ako," sabi ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Dapat pala tinatawag mo kaming Ate," sabi ni Beazen.

"Ang bata mo pa pala!" sigaw ni Miranda.

"Say Ate, Azura." Napatingin ako kay Beazen.

"At-" Naputol ang pagsasalita ko ng sumingit si Miranda at hinampas sa braso si Beazen.

"Gaga! Huwag mo gawing bata si Azura, tiyaka magiging Luna kaya natin siya!"

"Kanina ka pa nang hahampas ah!"

Napahimas na lang ako ng batok dahil nag-umpisa na naman silang mag-away.

"Tsk, may asawa na rin sana ako kung hindi ako ni-reject ni Lyncon," sabi ni Beazen at bakas sa boses niya ang pagkairita.

"Lyncon?" sabay naming tanong ni Miranda.

Umirap naman siya.

"Lyncon Rukus ang pangalan niya. Ugh, ayoko siyang pag-usapan naiinis ako." Sumimangot siya at padabog na umupo sa upuan.

"Baka kaya ka ni-reject kasi pangit ka raw," pang-aasar ni Miranda at humalakhak pa.

"Oh, talaga ba Miranda?" Inirapan muli siya ni Beazen.

Natigil ang tangkang pagsasalita ni Miranda nang may kumatok sa pinto.

"Luna, bumaba na raw po kayo dahil mag-uumpisa na ang seremonya," sabi ng boses mula sa labas ng pinto.

"Papunta na kami!" sigaw ko at tumayo.

"Let's go, excited na ako sa magiging reaksyon ni Alpha," nakangiting sabi ni Miranda.

"Ano naman ang magiging reaksyon niya?"

Wala akong ibang maisip na magiging reaksyon ni Vrexus kundi ang araw araw na tingin na ibinibigay niya sa 'kin.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon