Pito

9.6K 322 5
                                    

Matapos ang ilang segundong katahimikan ay umirap lamang si Vrexus at si Neon naman ay mukhang nakahinga ng maluwag.

"What's the news?" Umupo si Vrexus sa upuan.

"They're not happy about you, having a fairy mate," sabi ni Neon.

Umupo na lang ako sa tabi ni Miranda na ngayon nanlalaki ang mga matang nagpapabalik-balik ang tingin saakin at kay Vrexus.

Huh? Ano ba ang kanilang pinag-uusapan?

"A-ano?!" gulat na sabi ni Miranda. "Mate niya si—"

"Miranda, we're talking," pagpuputol ni Neon sa sasabihin niya kaya napanguso ito.

"That's all?" Napatingin ako kay Vrexus ng magsalita ito.

Sinisilbihan ito ng isang katulong at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin. Galit ba siya sa 'kin?

"They want you to reject her in order to follow the law," sabi ni Neon.

Sa pagkakataong ito, tumingin si Vrexus ng deretso sa mga mata ko at gan'on din ang aking ginawa. May nakita ako na kung anong emosyon na dumaan sa kanyang mata na hindi ko mapangalanan.

"That is insane, hindi ba nila alam ang tungkol kalagayan ng mga diwata?" kunot noong tanong ni Miranda kaya naputol ang titigan namin ni Vrexus.

"No one even know what will happen to them if they got rejected!"

"Well, it's up to him," wika ni Neon.

"Alpha, can you really do that?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Miranda habang kunot-noong nakatingin kay Vrexus.

Pero nawala iyon ng mahina itong tumawa.

"Since I was a kid, I am already a law breaker," nakangising sabi ni Alpha at muling tumingin sa 'kin. "Elders can't do anything anyway."

Napangisi naman si Neon at napabuntong hininga naman si Miranda na para bang nabunan ng tinik sa dibdib.

Wala talaga akong alam sa kanilang pinag-uusapan.

"Yey! Magiging Luna ka namin!" Napakurap ako ng bigla akong dambahin ng yakap ni Miranda.

Luna?

"Hi-hindi ko maintindihan," sabi ko.

Ngumisi naman siya ng malaki.

"Ibig sabihin—"

"Your mate is really talkative, Neon," biglang usal ni Vrexus.

Dahil yakap yakap ako ni Miranda ay naramdaman ko ang paninigas niya.

"My apologies, Alpha." Tumingin naman si Neon kay Miranda at hinila ang kamay nito. "We need to go."

"What? Pero—"

"No more buts, Miranda. Nakakaistorbo na tayo." Napasimangot naman si Miranda at tumingin sa 'kin.

"Natutuwa akong makilala ka, Azura, sa susunod ulit." Nakangiti akong kumaway sa kanya habang hinihila siya ni Neon paalis.

Nang makalabas sila ay natahimik ang hapagkainan. Nag-umpisa na rin ihain ng mga katulong ang pagkain sa lamesa at hindi ko alam ang mararamdaman ko sa katahimikan na namamayani saaming dalawa.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon