Labing-Pito

2.6K 49 8
                                    

"Mas bagay sa kanya 'to!"

"No, this one."

"Heto nga, eh!"

"No, that's too bright. Maputi na siya oh."

Palipat lipat ang tingin ko kay Miranda at Beazen na ngayon ay nagtatalo kung ano ang su-suotin ko.

Maaga pa naman at pinipilian na agad nila ako ng damit. Nakakatuwa silang tingnan, mukhang magkakasundo na rin sila.

"Stop it, girls. May pinili na ang Alpha para sa kanya." Napangiti ako ng pumasok si Neon sa kwarto na may dalang lalagyan.

"Weh? Patingin nga." Kinuha ni Miranda ang lalagyan at binuksan ito.

Kinuha niya ang bestida na nasa loob at ng makita niya 'yon ay sabay silang napasinghal ni Beazen.

"If you wear that, halos buong katawan mo ay matatakpan," sabi ni Beazen.

"Maganda naman pero hindi ka ba magmu-mukhang madre nito?" natatawang tanong ni Miranda.

"Anong madre?" tanong ko.

"Sa mundo 'yon ng mga tao, mga babaeng nakasuot ng mahahabang damit at iniaalay ang buong buhay sa Diyos nila," sagot ni Neon.

"Well, masyado pa namang maaga. Mga hapon siguro uumpisahan ka na naming ayusan," sabi ni Miranda.

"Tsk, I envy your hair," sabi naman ni Beazen.

"Dapat lang! Look at this beautiful long black hair!" Napadaing ako ng bahagyang hilain ni Miranda ang buhok ko.

"Maganda rin naman ang sa inyo," sabi ko.

"Hmp, hindi kasing ganda ng sa 'yo," wika ni Miranda.

"Well, I agree." Napatingin naman ako kay Beazen na tumatango tango.

"Gan'on ba?" Kinuha ko ang gunting na nakalagay sa lamesa.
"Gugupitin ko na lang ang ang buhok ko."

"No!" Mabilis na hinila sa 'kin ni Beazen ang gunting palayo.

"Oh gosh, ang gagawin mo ay isa sa pinakamalaking pagsisisihan mo," sabi ni Miranda.

Napangiwi ako at napatingin kay Neon na abala sa pagtingin ng kung ano sa loob. Parang gusto kong humingi ng tulong.

"Wala ng nakalimutan, aalis na ako," sabi ni Neon at umalis na ng kwarto.

Naiwan muli kaming tatlo sa loob.

"Girls talk!" sigaw ni Miranda at pabagsak ng humiga sa kama.

"What are you, a teenager?" tanong ni Beazen at umupo sa kama.

Sumunod naman ako sa kanila at umupo rin.

"Anong pag-uusapan natin?" Tumingin ako kay Miranda na nakapikit.

"Huwag kang matulog, gaga!" Napamulat siya ng hampasin siya ni Beazen.

"Heh!" Bumangon siya. "Hmm, sorry sa tanong ko, ah? Hindi mo pa ba nahahanap ang second chance mo?"

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon