Dalawampu

8K 315 6
                                    

  Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila Vrexus noong araw na 'yon pero sigurado ako na patungkol 'yon sa mga nilalang na gusto akong paslangin. Napahawak ako sa porselas at singsing ko, hindi ko naman ito hinuhubad, paano nila ako natunton?

"Luna." Napatingin ako sa nagsalita at mabilis na napatayo ng makita si Elder Mazon.

Bahagya akong yumuko.

"Magandang araw po, may kailangan po ba kayo?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at nagulat na lang ako dahil bigla siyang lumuhod at niyuko ang kanyang ulo sa lupa.

"I'm sorry for what I did." Nataranta ako at pinatayo siya.

"Ayos lang po 'yon, tumayo na po kayo r'yan," sabi ko at hinila siya patayo.

Bumuntonghininga siya at ngumiti.

"Gusto ko lang na maging masaya ang apo ko kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya siya at hindi ko naisip na hindi niya pala gusto ang ginagawa ko. Thank you for making my grandaughter happy again, Luna," sabi niya.

"Kaibigan ko po si Beazen at Lolo ka po niya, parehas po tayo ng gustong mangyari at 'yon ay ang mapasaya siya," wika ko.

"You're really kind," sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Bakit po pala hindi kayo mukhang Lolo?" tanong ko.

Tumawa siya at hinimas ang mukha niya.

"Nasa lahi na namin 'yan," sagot niya kaya pati ako ay natawa rin.

Matapos namin mag-usap ay nagpaalam na siya upang umalis. Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa upuan sa hardin at tahimik na pinagmasdan ang paligid.

Hanggang sa mapansin ko ang puting nilalang na gumagapang sa lupa. Napakaganda tingnan ng puting balat nito kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Sinundot ko siya gamit ang daliri ko kaya mabilis itong gumapang palayo sabay lingon sa 'kin. Tumabingi ang ulo nito kaya ginaya ko rin abg ginagawa niya.

"Nawawala ka ba?" tanong ko

Gumalaw ang ilong nito na parang may inaamoy habang papalapit sa 'kin.

Inilahad ko ang kamay ko at napangiti ng gumapang 'yon sa 'kin.

"Kumusta," sabi ko.

Tumitig lang ito sa 'kin bago tumalon papunta sa dibdib ko. Natumba ako sa lupa at biglang uhimip ang malakas na hangin, nagbigay 'yon ng kakaibang lamig sa aking katawan.

Mabilis akong bumangon at hinanap ang nilalang na 'yon pero hindi ko na siya mahagilap pa. Napahawak ako sa dibdib ko, saan 'yon nagpunta?

"Prinsesa, mag-uumpisa na ang iyong pagsasanay!" Napatingin ako kay Ijaro ng bigla itong sumulpot habang tumatakbo.

"Huwag mo akong takasan!" Nanlaki ang mata ko ng makita si Beazen na may dalang tambo at ibinato ito kay Ijaro.

"Ijaro!" gulat na sabi ko ng matamaan ito sa ulo.

Natumba ito sa damuhan at hindi na gumalaw.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon