Tatlo

10.4K 378 24
                                    

Azura

Namamangha akong tumingin sa loob ng bahay na aming pinasukan. Napaka-simple lang nito at maganda sa paningin. May kakaibang kagamitan na wala sa'ming tahanan.

Ang aming tahanan ay tanging gawa sa kahoy, maging ang aming mga kagamitan bukod sa mga gamit pangluto na yari sa bato. Hindi ko alam na mayroong ganitong kagamitan.

"Nagustuhan mo ba?" nakangiting tanong ni Beta.

Napangiti na rin ako at umupo sa tangin ko ay upuan.

"A-ang lambot," mahina kong sabi ng ako ay makaupo.

Lumipat naman ako sa mahabang upuan at ganoon din. Napaka-lambot, ang sarap sa pakiramdam.

"Mukang nagkulong ka nga ng ilang taon," umiiling na sabi nito.

Namula naman ako sa hiya. Hindi naman talaga kasi ako nakasabay sa pag-unlad ng mundo.

"Sofa ang tawag diyan." Itinuro niya ang upuan kung saan ako ngayon nakaupo.

"May mahika ba ito? Napakalambot kasi," wika ko at tinalon talon ang sarili sa upuan na tawag ay sofa.

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa kaya hindi ko mapigilang mapanguso. Pinagtatawanan niya ba ang pagiging inosente ko sa mga bagay bagay?

"Wala, bulak at kutson ang laman niyan," sagot ni Beta sa aking tanong. "Maiwan muna kita. Kung pwede ay linisin mo na rin ang katawan mo." Itinuro niya ang isang direksyon.

"Nandoon ang banyo. May mga damit ka na rin sa loob ng kwarto mo." Mas lalo akong napangiti at bahagyang yumuko.

"Maraming salamat Beta. Akala ko ay lahat ng taong lobo na nandito ay masasama, ngunit mukhang nagkamali ako," nakangiti kong sabi.

"Neon, tawagin mo akong Neon." Napakurap ako sa sinabi niya.

Neon? Hindi ba Beta ang kanyang ngalan?

"Hindi Beta ang iyong pangalan?" taka kong tanong.

Napatawa naman siya muli sa aking itinanong. Bakit ba siya tawa ng tawa?

"Hindi. Ang Beta ay isang titulo ng katayuan ko sa buhay. Sa susunod ko nalang ipapaliwanag sa 'yo dahil kailangan ko na talagang umalis," wika niya at kumaway sa 'kin bago siya mabilis na lumabas ng bahay.

Hindi man lang ako binigyan ng tiyansa upang magpaalam.

Agad naman akong tumayo at saglit munang nilibot ang buong bahay maging ang aking silid.

May mga bagay na hindi ako pamilyar ngunit maari ko namang itanong ito kay Neon sa susunod naming pagkikita. Hindi ko kasi alam kung paano gamitin, baka ako pa ay madisgrasya.

Pumasok ako sa banyo at namangha sa mga nakita ko sa loob. Kakaiba ang kanilang paliguan, halos puti ang disenyo ng paligid. May twalya na rin sa loob at dahil ako lang naman ang magisa sa loob ng banyo ay hinubad ko na ang aking maduming saplot at tumapak sa malamig na sahig bago ipinulupot ang puting twalya sa aking katawan.

Hmm, bakit kaya dalawa ang gripo nila dito? Pinihit ko ang nasa taas at nagulat ng may tubig na lumabas doon dahilan para mapaatras ako.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon