Nakangiti akong nakatingin sa batang nagtatakbuhan sa labas ng aking tahanan. Naririnig ko ang kanilang mga halakhakan at tila musika iyon sa aking pandinig.
"Azura." Tumingin ako kay Ijaro na may hawak na baso.
Iniabot niya 'yon saakin at akin naman 'yong tinanggap.
"Salamat," sabi ko at ininom ang tubig.
Muli kong ibinaling ang tingin sa mga batang naglalaro.
Kahit isang beses ay hindi ko naranasan ang maglaro sa labas at tumakbo-takbo kagaya ng ginagawa nila ngayon noong kasing edad ko lang sila.
Maging ang makipag-kaibigan sa kapwa ko mga diwata ay hindi ko naranasan ngunit kahit ganoon ay hindi pinaramadam saakin ni Ama at Ina na nag-iisa ako. Ipinaramdam nila saakin kung gaano nila ako kamahal at kahalaga, sapat na iyon saakin.
Pero noong namayapa silang pareho ay hindi ako nagtangkang lumabas ng aming tahanan. Natatakot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag ako'y nakalabas na sa bahay na iyon.
Gaya ng sinabi ni Ina ay maraming mapanganib na nilalang sa mundo na dapat iwasan ngunit heto, nandito ako ngayon.
"Mukhang tuwang-tuwa ka sa panonood sa mga bata," sambit ni Ijaro bago bahagyang natawa.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Oo, nakakaaliw silang tingnan. Napakasarap sa pandinig ang kanilang mga tawanan," sabi ko at tumingin kay Ijaro na nakatingin pala saakin kaya mas lalo akong napangiti.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi nito bago mag-iwas ng tingin na hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.
"Maghahanap lang ako ng pwede nating makain," paalam niya at tumayo mula sa pagkaakupo sa bangko na kinauupuan namin.
"Gusto kong kumain ng karne!" sigaw ko.
Simula kasi noong mawala si Ina ay hindi na ako nakakain ng karne dahil iyon ang unang naubos. Puro gulay na lang tuloy ang aking kinakain na nakatamin sa loob ng aming tahanan.
"Sige, alis na ako," sabi niya at nagsimula ng maglakad papalayo.
Pinagmasdan kong lumakad palayo si Ijaro at ng mawala siya sa aking paningin ay nilibot ko ang mga mata sa paligid. Hindi ko mapigilan ang mapasimangot ng makita na wala man lang halaman na nakatanim sa aking bakuran.
Marahan akong yumuko upang abutin ang lupa at nagpatubo ng mga halaman at isang malaking puno. Umihip ang malakas na hangin kaya napangiti ako. Ang sarap talaga kasama ng kalikasan.
"Woah, ate! Pwede po ba kaming maglaro sa bakuran mo?!" sigaw ng batang babae at tumakbo papalapit sa hangganan ng bakuran ko.
Humawak ito sa bakod at ngumiti saakin ng malaki.
"Sige na po!" sigaw naman ng batang kasama niya hanggang sa nagpuntahan ang mga kaibigan niya rito.
Hindi ko mapigilang matawa dahil talagang nakakaaliw silang pagmasdan.
"Sige, tuloy kayo," nakangiting sabi ko na siya namang ikina-sigaw ng mga bata sa tuwa.
Pumasok sila sa pinto ng aking bakuran at doon pinagpatuloy ang kanilang paglalaro. Napapansin ko rin ang ibang taong lobo na napapadaan ay napapatingin sa aking bakuran.
Upang makapaglaro pa sila ay ikinumpas ko ang aking kamay at ang kahoy ng puno ay unti-unting nabuo na isang maliit na tahanan. Namunga rin ito ng hinog na pulang mansanas.
"Maari kayong kumain habang naglalaro sa itaas ng puno," turo ko sa itaas.
"Salamat po, Ate!" sigaw nila na sinuklian ko lang ng ngiti.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate.
WerewolfHis name is Vrexus Rendelev. He is an Alpha. Hot, dangerous and positively terrifying. And the unexpected happend, Azura Lecatus, a sweet, kind last fairy who mated to the Alpha. - [Plagiarism is a Crime] Start: 04|03|2020 End: 01|16|2021