Sampu

9K 323 6
                                    


"

Azura . . . "

"Azura . . . "

"Azura pakinggan mo ako," wika ng isang pamilyar na tinig at hindi ko alam kung saan 'yon nagmumula.

Nasa gubat ako ngunit wala akong ibang kulay na nakikita kundi puti. Ang mga puno, halaman, bulaklak ay kulay puti. Nasaan ba ako? Bakit puti ang kulay ng lahat?

Tumingala ako sa kalangitan at napangiti ng makitang kulay asul ito.

"Azura," muling sabi nito.

"Sino ka?" nagtataka kong tanong habang nililibot ang tingin sa paligid.

Nasaan ba siya?

"Ikaw ang bagong Ina, Azura." Nagsalubong ang aking kilay sa kanyang sinabi.

Ako ang bagong Ina?

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Azura, umaasa kami sa 'yo."

"Azura! Wake up, d*mn it!"

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at nagtatakang tumingin kay Vrexus na hawak ang magkabila n'yang bewang habang matalim na nakatingin saakin.

Anong ginawa ko at parang galit na naman siya sa 'kin?

"Ang hirap mong gisingin," inis na sabi niya kaya pilit akong napangiti.

Kaya pala.

"Patawad, anong oras na ba?" tanong ko at bumangon.

Inayos ko ang suot kong bestida at hinanap ang sapin ng aking paa.

Tumayo ako sa harap ni Vrexus. Malaking tao siya kaya kailangan ko pang tumingala upang makita ko ang kanyang mukha.

"Alas nueve bente sais," simpleng sagot nito habang nakatitig saakin.

Nag-init tuloy ang aking pisngi dahil naalala ko ang ginawa niyang paghalik saakin kagabi. Hindi naman kami magkasintahan upang gawin ang bagay na 'yon.

Bumaba naman ito sa suot kong pantulog at bahagyang kumunot ang noo.

"Kakain na tayo, magpalit ka ng damit bago bumaba," pautos na sabi niya at lumabas na ng silid.

Napakurap ako at tumingin sa aking saplot. Hindi nga naman maganda na bumaba ako na ganito ang aking suot.

Nagpalit ako ng disenteng damit at nagmumog bago lumabas ng silid.

Sa hapagkainan ay nandoon ko nakita si Miranda at Neon na tila may pinagaawayan.

"Sasama nga sabi ako!" sigaw ni Miranda.

"You can't and that's final!" sigaw rin ni Neon.

Hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako o hahayaan muna sila mag-usap pero wala na akong nagawa kundi ang tumuloy dahil napatingin sa 'kin si Miranda.

"Azura!" nakangiting sigaw niya at lumapit sa 'kin.

"Magandang umaga, Miranda," bati ko sa kanya.

"Magandang umaga rin sa 'yo. May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya.

Napaisip naman ako.

"Balak ko sana na mag-aral ng salitang ingles ngunit pwede naman kitang samahan sa gagawin mo," sabi ko.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon